Sikat na aktor tumangging patusin ang 3 female star | Bandera

Sikat na aktor tumangging patusin ang 3 female star

Reggee Bonoan |November 06,2018
facebook
share this

Sikat na aktor tumangging patusin ang 3 female star

Reggee Bonoan - November 06, 2018 - 12:15 AM

MAY tatlong sikat na aktres ang may crush sa isang sikat na aktor na meron nang karelasyon ngayon. Isa-isa namin silang ilalarawan.
Si Aktres A ay super crush ni aktor at nalamang may crush din pala sa kanya, pero hindi niya niligawan dahil nga bukod sa may girlfriend siya (very loyal) ay ayaw nitong magulo ang ka-loveteam ng girl na sumikat naman talaga noon. Ngayon kasi ay waley na sila.
Ang Aktres B naman ay matagal nang crush si aktor na nagustuhan na rin ng huli dahil marami silang pinagkakasunduan at higit sa lahat, pareho sila ng topak, at taken pa rin si poging aktor that time.
Pero ang pinakamatindi ay si Aktres C dahil diretsahan niyang sinabi na hiwalayan na ni aktor ang karelasyon at sila na lang dahil mas bagay daw sila pero hindi pa rin pinatulan ng aktor ang sinabi sa kanya dahil loyal nga siya sa girlfriend niya.
Heto na, ang ending, single na uli ngayon si aktor pero hindi pa rin niya type patusin ang sinuman sa tatlong aktres. Hindi naman sinabi sa amin ng aming source kung bakit.
Si Aktres A ay may boyfriend na at masayang-masaya siya kahit hindi gaanong sikat ang dyowa.
Ang Aktres B ay single na single rin at wala pa sa planong magkaroon ng boyfriend, hanggang crush lang daw siya.
At dahil tinanggihan ni aktor si Aktres C kaya sa iba na lang ito naghanap ng kaligayahan at ang balita namin, kept woman na siya ng sikat ding personalidad.
Dedma muna sa clue dahil baka kami naman ang mahampas ng payong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending