Kris Bernal pinainit ang 'Ber Month' sa paandar na sexy swimsuit photo | Bandera

Kris Bernal pinainit ang ‘Ber Month’ sa paandar na sexy swimsuit photo

Bandera |November 05,2018
facebook
share this

Kris Bernal pinainit ang ‘Ber Month’ sa paandar na sexy swimsuit photo

Bandera - November 05, 2018 - 12:15 AM

MULING pinainit ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang social media sa mga sexy photos na ipinost niya sa Instagram recently.

Pinusuan ng libu-libong followers ni Kris ang kanyang IG photos kung saan buong-ningning niyang ibinandera ang kanyang kaseksihan.

Suot ang kanyang sexy red one-piece swimsuit, walang hiya-hiyang nag-pose nang bonggang-bongga ang dalaga sa kanyang Instagram Story kahit na any moment ay pwdeng bumulaga ang “pisngi ng langit”.

Bukod sa kanyang solo photos, nag-post din si Kris ng litrato nila ng Kapuso hunk na si Matthias Rhoads na kasama niya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Caption ng dalaga sa litrato nila ni Matthias, “Sa lahat naman ng makakasalubong ko today yung kabit pa ni Nathan!”

Si Matthias ang gumaganap na Daniel sa Asawa Ko, Karibal Ko, ang kabit ni Jason Abalos sa kuwento bilang si Nathan na asawa naman ng karakter ni Kris.

Speaking of Asawa Ko, Karibal Ko, todo naman ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng sumusubaybay sa kanilang serye pati na rin sa mga pumupuri sa akting niya bilang si Rachel.

In fairness, napanood ko rin ang mga nakaraang episodes ng serye at talaga namang bigay-todo ang akting ni Kris bilang asawang ipinagpalit ng kanyang mister sa kapwa lalaki.

Ang galing-galing ni Kris sa eksenang kinidnap ni Jason ang kanilang anak. Nabigyan niya ng hustisya ang feeling ng isang ina na nawalan bigla ng anak. Talagang halos mabaliw si Kris sa breakdown scene na yun. At nagpatuloy pa ang matinding drama nang sumabog ang lantsa na pinaniniwalaang sinakyan ni Jason at ng kanilang anak.

Patuloy na subaybayan ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime dahil magsisimula na ang mas matitinding pasabog lalo na sa pagdating ng karakter ni Thea Tolentino ang transwoman character ni Jason.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending