Pakilig nina Paolo at Alessandra sa 'Through Night & Day' brutal kung brutal | Bandera

Pakilig nina Paolo at Alessandra sa ‘Through Night & Day’ brutal kung brutal

Ervin Santiago |November 05,2018
facebook
share this

Pakilig nina Paolo at Alessandra sa ‘Through Night & Day’ brutal kung brutal

Ervin Santiago - November 05, 2018 - 12:15 AM

WALA nang ilangan at kapaan sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi sa mga mabibigat at pakilig na mga eksena nila sa bagong hugot movie nilang “Through Night And Day” na kinunan pa sa bansang Iceland.
Ayon kay Alex, naging madali na para sa kanya ang mga eksena nila ni Paolo dahil matagal na silang magkaibigan. Bukod sa pagiging high school friends ilang beses na rin silang nagkatrabaho in the past, kabilang na sa mga pelikulang “Spirit of the Glass” at “One Night Only”.
“Hindi kami barkada na nagkikita, nag-uusap. Okay lang talaga kami na magkatrabaho. Kapag nagkikita kami, no holds barred; parang ganoon lang siya, may tiwala lang talaga sa tao, pero di kami ‘yong once a month, once a year, kamusta kayo diyan,” kuwento ni Alex sa nakaraang presscon ng “Through Night And Day”.
Sey naman ni Paolo, malaki ang naitulong ng pagiging magkaibigan nila ni Alessandra para maging natural ang pagganap nila sa pelikula. Gumaganap silang magdyowa (Ben at Jen) sa kuwento na 13 years na ang relasyon pero nang minsang magbakasyon sa ibang bansa, isa-isang maglalabasan ang kanilang mga hugot sa buhay.
“Kasi kami ni Alex, we’ve been friends for a long time, so tingin ko rin kapag sa kuwento ni Ben at tsaka ni Jen, kapag 20 years na kayo magkakilala, 13 years na kayo magkarelasyon, ano pa ba ‘yong bawal pag-u-sapan,” pahayag ni Paolo.
Hirit pa niya, “Kami naman ni Alex naka-ilang pelikula na kami with OctoArts, magkaibigan na kaming matagal, kumbaga wala na ring bawal pag-usapan.”
Kahit ang direktor ng pelikula na si Veronica Velasco ay bilib na bilib sa napakatinding chemistry nina Pao at Alex. Tagos na tagos daw sa puso ang mga eksena ng dalawa.

“Maaaliw kayo na kahit na sa sasakyan lang sila, nag-uusap lang, makikita mo ‘yong komportable sila sa isa’t isa. Makikita mo rin na kakaiba ‘yong kilig dito kasi parang brutal eh, aside from ‘yung relationship nila, ‘yong rapport nila, dagdag pa doon ‘yong kung ano ‘yong itsura ng Iceland,” sey ni Direk Ronnie.
“Through Night and Day” follows the story of the newly engaged couple Ben and Jen who have been together for 13 years. Nagdesis-yon silang magbakasyon sa Iceland dahil ito ang lifelong dream destination ni Jen. At sa pagpunta nila sa Iceland, dito nila mas makikilala ang isa’t isa.
Showing na sa mga sinehan ang “Through Night And Day” sa Nov. 14 mula sa Viva Films at OctoArts Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending