2 traydor na aktor-politiko mamalasin sa Eleksyon 2019 | Bandera

2 traydor na aktor-politiko mamalasin sa Eleksyon 2019

Cristy Fermin |November 04,2018
facebook
share this

2 traydor na aktor-politiko mamalasin sa Eleksyon 2019

Cristy Fermin - November 04, 2018 - 12:35 AM

KUNG para sa mga botanteng Pinoy ay may kalayuan pa ang eleksiyon, para sa mga pulitikong may inaasintang posisyon ay ilang tulog at gising na lang ang halalan, kaya kailangan na nilang magdobol time.

Kani-kanyang pabanguhan na sila ngayon, puro magaganda at pampogi points ang ipinakikita nila sa kanilang mga nasasakupan, panalo ang kanilang kailangan.

May dalawang aktor-pulitikong masidhi na ang pag-iikot ngayon, pinakamataas na posisyon kasi sa kanilang lugar ang gusto nilang masungkit, pero mukhang magluluksa sila sa eleksiyon.

Kuwento ng aming source, “Mismo! Nagkukumahog na sila ngayon sa paghahanap ng pondo, hindi sila makagagalaw kung wala silang gasolina, kaya kung sinu-sino nang madadatung ang nililigawan nila ngayon.

“Si Actor-Politician A, mismong kamay ng nagpalang pulitiko sa kanya ang kinakagat niya ngayon. Marami siyang pinalulutang na kasiraan ng pulitikong nag-alaga sa kanya.

“Spoiled siya sa politician na ‘yun, parang anak na ang turing sa kanya, pero nagawa pa rin niyang baligtarin. Sinisiraan niya ang parang tatay na niya, kakalabanin pa niya sa darating na eleksiyon,” unang chika ng aming impormante.

Si Actor-Politician B naman ay ganu’n din ang karakas ayon sa kanyang mga kababayan. Inalagaan din siya ng kanyang itinuturing nang tatay pero kakalabanin niya pa rin.

Patuloy ng aming source, “‘Yung isang ‘yun naman, kauupo pa lang niya nu’n, e, hindi kagandahan ang image niya pagdating sa pagkakaperahan. Wala siyang pinagbibigyan, lahat, katalo para sa kanya.

“Maraming galit sa actor-politician na ‘yun dahil may kaangasan siya, ang feeling niya, e, alam na niya ang lahat-lahat, samantalang nakakagat-kuko nga lang siya kapag tinatanong tungkol sa malalalim na isyu sa kanilang bayan.

“Ngayon pa lang, e, may mga nagsasabi nang magluluksa sila sa darating na election. Kailangan na nilang paghandaan ang pagkabigo, dahil hindi na sila makahihirit pa uli sa mga botante nila.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang mga aktor-pulitikong ito. Kababayan mo pa, Bradly, ang isa sa dalawang ito,” madiing bagsak ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending