Coco may hiniling kay Lord para sa ika-37 kaarawan | Bandera

Coco may hiniling kay Lord para sa ika-37 kaarawan

Ervin Santiago |November 04,2018
facebook
share this

Coco may hiniling kay Lord para sa ika-37 kaarawan

Ervin Santiago - November 04, 2018 - 12:25 AM

COCO MARTIN

 

HINDI na para sa kanyang sarili ang birthday wish ng Teleserye King na si Coco Martin ngayong taon. Nagdiwang ng ika-37 taong kaarawan ang aktor last Nov. 1.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Coco ng mensahe ng pasasalamat sa Diyos sa lahat ng natatanggap niyang blessings at sa lahat ng mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Isang selfie photo ang ipinost niya sa IG na may caption na, “Maraming salamat Panginoon sa pagmamahal mo sa ’kin. Salamat din sa lahat ng tao na binigay mo sa buhay ko upang maging daan para matupad ko ang pangarap ko na mabigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya ko.

“Ngayon, sana mas gamitin mo pa ako upang maibalik ko naman sa aking kapwa ang lahat ng blessing na pinagkaloob ninyo sa ‘kin.

“Salamat sa 37 years na buhay na pinagkaloob mo sa ’kin, isang napakagandang paglalakbay… mahal na mahal ko po kayo!” ayon pa sa award-winning actor.

Last Wednesday, binigyan siya ng birthday surprise ng Dreamscape Entertainment at ng mga kasamahan niya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Bumaha rin ng birthday greeting and wishes sa social media para kay Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending