Mahigpit na random drug test sa mga pulis sa MM ipinag-utos | Bandera

Mahigpit na random drug test sa mga pulis sa MM ipinag-utos

- November 02, 2018 - 05:41 PM

IPINAG-UTOS ni National Capital Region Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagpapaigting ng random drug testing sa mga pulis matapos namang mahulihan ng droga ang isang bagitong pulis sa loob ng isang club sa Taguig City.

Idinagdag ni Eleazar na dapat na magsilbing aral para sa mga police district director sa Metro Manila ang pagkakaaresto kay PO1 Redentor Bautista.

Inatasan din ni Eleazar ang mga Drug Enforcement Units at Counter Intelligence Units na paigtingin ang kampanya sa mga pulis na pusher at user sa NCRPO.

Naaktuhan umano si Bautista,na nakatalaga sa Manila Police District (MPD), na gumagamit ng cocaine sa loob ng comfort room ng Island Palace Club sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerkules.

Dumalo si Bautista sa Halloween party sa club kasama ang kanyang pamangkin.

“The discovery of this addict policeman is a timely wake up call. We should not take anything for granted as [there are] possible police officers and pushers,” sabi ni Eleazar.

Ikinalungkot din ni Eleazar na may mga pulis pa rin na naaaresto dahil sa iligal na droga sa kabila ng matagumpay na kampanya kontra droga sa nakaraang dalawa at kalahating taon.

“We will not relax our guard. We must continue and sustain our vigilance in this war against illegal drugs, even within our ranks,” dagdag ni Eleazar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending