‘Napakahirap ng posisyon ngayon ni Ogie dahil kay Regine’ | Bandera

‘Napakahirap ng posisyon ngayon ni Ogie dahil kay Regine’

Cristy Fermin |November 01,2018
facebook
share this

‘Napakahirap ng posisyon ngayon ni Ogie dahil kay Regine’

Cristy Fermin - November 01, 2018 - 12:40 AM

OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ

Napakahirap ng posisyon ni Ogie Alcasid sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang misis na si Regine Velasquez na parang itinuturing na krimen ng ibang tao ang paglipat sa ABS-CBN.

Napaka-peace loving pa naman ng magaling na singer-composer, wala siyang kahit sinong nakakaaway mula nang pasukin niya na ang mundo ng musika, marespeto ang mister ni Regine.

Nang magtrabaho siya sa TV5 ay puring-puri si Ogie ng marami dahil kahit minsan ay hindi siya nagsalita ng anumang laban sa GMA 7.

Nang tapusin niya naman ang kanyang kontrata sa TV5 at lumipat na siya sa ABS-CBN ay ganu’n din, walang kaangas-angas ang singer, lutang na lutang ang kanyang respeto kahit kanino.

Ngayon nga, sa paglipat ng kanyang misis sa kabilang istasyon, ay palaging pinakakain ng ampalaya ang mommy ni Nate. Kabi-kabilang pamba-bash ang ipinupukol sa Asia’s Songbird na para bang isang napakalaking krimen na ang nagawa nito nang magdesisyong sundan ang kanyang mister sa Dos.

Sabi nga ni Ogie ay siya na lang sana ang i-bash, huwag na si Regine, dahil wala namang ginawang kasalanan ang kanyang misis.

Ramdam niya siyempre si Regine, alam niya kung gaano kasakit ang mapagbintangang walang utang na loob, si Ogie ang nagdadala nu’n.

Napakahirap ng kanyang posisyon ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending