Boy Abunda magpapakasal na sa Amerika?
Nagliliwaliw ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa Amerika as of this writing. Doon nag-celebrate ng kanyang birthday si Kuya Boy kasama ang kanyang long-time partner na si Bong Quintana.
He went to the US para mag-host sa Ten Outstanding Filipino Awards (TOFA) 2018. So, weeks ahead ay nagsimula nang “mag-ipon” ng episodes si Kuya Boy for Tonight With Boy Abunda and The Bottomline na parehong winner sa 32nd Star Awards for TV.
Nanalo rin si Kuya Boy bilang celebrity talk show and public affairs host.
Isa sa mga nai-tape niya na episode ay ang birthday celebration ng Star For All Seasons na si Lipa City Cong. Vilma Santos-Recto sa The Bottomline na ipalalabas sa ABS-CBN this coming Saturday, Nov. 3.
Hindi lang namin sure kung sasamantalahin na rin ni Kuya Boy ang pagkakataon habang nasa US sila ni Sir Bong na mag-inquire tungkol sa pagpapakasal doon. Although, noon pa man ay paulit-ulit nang sinasabi sa amin ni Kuya Boy na wala silang balak magpakasal ni Sir Bong.
“Hindi, but I fight for the right of marriage. I fight for marriage equality. Bong and I are okey. We fixed our lives. Alam ko wala pang mga batas pero inayos na namin ang buhay namin,” aniya.
Pero bukas pa rin si Kuya Boy sa posibilidad na maikasal sila ni Sir Bong? “Hindi ko alam,” sambit niya.
“If it happens in my lifetime, bakit hindi? Pero nakokornihan kasi kami ni Bong nu’ng ceremony, na after living for 40 years, e, saka kami ikakasal. Baka we’ll go for a civil ceremony. Pero I will die and fight for the right of marriage for the LGBT.”
Anyway, nagsimula na noong Lunes ang last part ng month-long birthday and victory celebration ni Kuya Boy sa TWBA kung saan si Vice Ganda ang nag-interbyu sa kanya. Marami pala silang pagkakapareho ni Vice at isa na rito ang pagreregalo ng rubber shoes sa guy.
Again, happy, happy birthday Dr. Boy Abunda! May your tribe increase!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.