Rico Puno may hiniling kay John Lloyd bago mamatay | Bandera

Rico Puno may hiniling kay John Lloyd bago mamatay

Julie Bonifacio |November 01,2018
facebook
share this

Rico Puno may hiniling kay John Lloyd bago mamatay

Julie Bonifacio - November 01, 2018 - 12:25 AM

RICO J. PUNO

NAIS naming ialay sa pumanaw na OPM icon na si Rico J. Puno ang column na ito. Na-interview pa namin siya ilang araw bago sumakabilang-buhay dahil sa Abdominal Aortic Aneurysm.

Sa presscon ng nakatakdang concert sana niya sa Nov. 17, ang “Music And Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko”, napag-usapan namin ang aktor na si John Lloyd Cruz na napapadalas ngayon ang pagpapakita sa publiko.

Magkasama noon sina Rico at Lloydie sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home. Pero nu’ng mawala si John Lloyd sa show ay wala na ring balita si Rico tungkol sa kanyang “anak”.

“Wala na siyang communication kahit kanino sa show namin. May texting group kasi kami. We tried texting him kung kumusta na ba siya? Kung kelan siya babalik sa show? Wala siyang response sa akin or kay Direk Bobot (Mortiz). Kahit sa ibang may kinalaman sa show, wala nang kinakausap si John Lloyd,” pahayag sa amin ni Rico.

Sang-ayon si Rico kung mas pinili ni Lloydie ang simpleng buhay ngayon. Hindi rin naman daw niya masisisi ang aktor dahil ilang taon din siyang sumikat hanggang sa ma-burnout na.

“Naranasan ko na rin noon ang ganyan. Sometimes you need a break din. Saka may sariling pamilya na siya, may anak na sila ni Ellen Adarna. So siguro nga, masaya na siya sa ganoong buhay,” aniya pa.

Wish ni Rico na huwag bitiwan ni Lloydie ang mga kaibigan niya sa showbiz, “Kaming mga naging kaibigan niya, lalo na ako kasi naging very close ako sa kanya, hindi niya sana kami binibitawan. Nandito naman kami para suportahan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya.

“We’re not here to judge him for his actions kasi mga kaibigan niya kami. Kung ano ang nangyayari kay John Lloyd ngayon, we only wish him happiness,” aniya pa.

Sa darating na Nov. 23 sana magaganap ang concert ni Rico J sa Theater At Solaire kasama sina Marissa Sanchez, Giselle Sanchez at ang anak na si Tosca Puno. Pangako pa nga niya asahan daw na magiging masaya ang concert with matching naughtiness from him.

“Sa awa naman ng Diyos, wala namang nagrereklamo sa akin, lalo na kapag may mga guest ako na sexy tulad nga nitong sina Giselle at Marissa. Ilang beses ko na silang nakasama sa iba’t ibang shows at nasanay na sila sa mga green jokes ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam naman nila na it’s all for show, for entertainment lang. I respect women and both Giselle and Marissa can say na never akong naging aggressive or naging abusive sa kanila,” diin ni Rico.
Ngayong wala na si Rico, siguradong mami-miss siya ng buong industriya. Maligayang paglalakbay Mr. Macho Gwapito. Nakikiramay kami sa lahat ng kanyang mga naulila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending