Trabaho sa mga jobseekers | Bandera

Trabaho sa mga jobseekers

Liza Soriano |October 31,2018
facebook
share this

Trabaho sa mga jobseekers

Liza Soriano - October 31, 2018 - 12:10 AM

PINAHIGPIT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang partnership nito sa Philippine Association of Legitimate Service Contractors Inc. (PALSCON) upang higit na maraming trabaho ang maging accessible sa mga jobseekers, kasabay na rin ng pag-ayuda sa mga employer na makahanap ng mga kuwalipikadong manggagawa.

Layunin nito ay maabot ang mas maraming naghahanap ng trabaho sa buong bansa at palawakin ang kanilang kamalayan para sa labor market information, at makatulong sa mandato ng DOLE na paigtingin ang sitwasyon sa mga lokal na trabaho sa bansa.

Liban sa paglikha ng mga trabaho at patuloy na pagtanggap ng mga manggagawa alinsunod sa batas paggawa, pinupuri ang tulong ng organisasyon at kanilang inisyatibo upang makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) na pirmado ni Bello at PALSCON National President Rhoda Castro-Caliwara, isang nationwide PALSCON Job Fair caravan ang ilulunsad na may tagline na: “Job ko ‘to: Secure ako dito dahil may trabaho for Every Juan.”

Ang job fair caravan ay magkakaroon ng training at human resource development, paglikha ng mga training modules at information campaign tungkol sa kapakanan ng mga manggagawa, at pagpapalawak at pagpapalakas ng programa.

Sa kabilang dako, inatasan naman ang mga DOLE Regional at Field Office na maglaan ng technical support, gabay, at direksyon sa PALSCON kaugnay ng isasagawang Job Fair Caravan, at ang pagmonitor sa implementasyon ng programa.

Samantala, ang Bureau of Local Employment ay tutulong din sa PALSCON na magkaroon ng data at mga impormasyon ukol sa programa at aktibidad ng gobyerno kaugnay sa paglikha ng trabaho sa bansa.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending