Maine rumaket sa KMJS ng GMA bilang aswang?
Nag-trending ang Halloween special ng Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday na pinamagatang “Gabi Ng Lagim.” Isa sa mga tinalakay na kuwento ni Jessica Soho ay ang kuwento ng “Amaranhig” sa Aklan.
Sa pagsasadula ng kuwento ng Amaranhig, nagulat ang ilang viewers dahil kamukha raw ni Maine Mendoza ang isa sa mga karakter na gumanap. At habang umeere ang KMJS, nag-post si Meng sa Twitter ng screenshot ng nasabing female talent na may mensaheng, “Kailangan din rumaket paminsan-minsan… lol!”
Marami naman ang naniwala sa biro ni Maine kaya agad din siyang naglabas ng disclaimer. Tweet ng Dubsmash Queen, “In fairness ang daming paniwalain.. hindi po ako yan, kamukha lang! Kasi naman in demand talaga yung beauty namin pag Halloween pero mas fashiown ako sa kanya n0h!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.