Golden Cañedo laging may pasabog sa Studio 7 | Bandera

Golden Cañedo laging may pasabog sa Studio 7

Ervin Santiago |October 31,2018
facebook
share this

Golden Cañedo laging may pasabog sa Studio 7

Ervin Santiago - October 31, 2018 - 12:20 AM

GOLDEN CAÑEDO

Hindi na talaga mapigilan ang pag-arangkada ng pinakabagong weekly musical-variety show ng GMA na Studio 7 lalo na ang paghataw nito sa TV ratings tuwing Linggo ng gabi.

Simula kasi nang mag-pilot ito ay palaging panalo ang programa kontra sa katapat nitong The Kids’ Choice ng ABS-CBN.

Para sa mga netizens, hindi ito tulad ng ibang musical-variety show dahil pasabog talaga ang mapapanood na performances ng mga Kapuso stars tuwing Linggo ng gabi.

Sey pa ng mga manonood, hindi kasi paulit-ulit ang concept ng show, laging may bagong pasabog every week ang Kapuso show na pinangungunahan nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista at Mark Bautista.

Pati ang iba pang mga performers ng Studio 7 ay puring-puri ng Kapuso viewers, talaga raw may ibubuga ang mga ito sa pagpe-perform. Sa kantahan man o sayawan, game na game ang lahat!

Panay nga ang panggulat ng The Clash Champion na si Golden Cañedo sa tuwing sasalang ito sa stage. Pati ang iba pa niyang kasamahan, amazing at one-of-a-kind ang perfomances.

Ano pa kaya ang susunod na mapapanood sa kanila? Patuloy na tutukan ang Studio 7 tuwing Linggo ng gabi sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending