The Clash finalist Miriam Manalo nakiusap para sa anak na may ‘SMA’: Kahit konting donation lang po for Baby Emilia…
SIGURADONG marami ang naantig at naawa sa Kapuso singer-actress na si Miriam Manalo dahil sa kundisyon ngayon ng kanyang anak na si Lilah Emilia.
Ibinahagi ng “The Clash” season 1 alumna (kung saan itinanghal na winner si Golden Cañedo) ang tungkol sa karamdaman ng kanyang isang taong gulang na anak na na-diagnose ng Spinal Muscular Atrophy (SMA).
Ang isa sa kumplikasyon ng SMA na tinatawag na genetic neuromuscular illness, ay ang panghihina ng skeletal muscles. Kakailanganin ng napakalaking halaga para maipagamot ang taong may ganitong uri ng karamdaman.
Hindi maiaalis kay Miriam na makaramdam ng matinding pag-aalala dahil ang panganay niyang si Layla Elleina ay nagkaroon din ng SMA na pumanaw sa edad na walong buwan noong Oct. 8, 2019.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng Kapuso recording artist kamakalawa, March 20, ang pinagdaraanan ngayon ni Baby Lilah pati na ng kanyang pamilya, “Nothing is more painful than this! Andito na naman ako sa situation na ganito’ laging super hirap na pagsubok ang binibigay sakin, grabe na talaga! I don’t know if I can still take this, di ko na yata talaga kakayanin ito.
“But I’m not a quitter. Alam kong kakayanin ng anak ko ito lalaban s’ya at di s’ya pababayaan ng Diyos. Proud ako sa baby ko na ito, napaka-brave n’ya talaga kaya hinding-hindi ko siya susukuan,” simulang pahayag ni Miriam.
Nakiusap din siya na ipagdasal ang paggaling ng kanyang anak kasabay ng paghingi ng financial help sa may mabubuting kalooban para sa pagpapagamot ng bata.
“Isama nyo po si Lilah Emilia Al Raee sa inyong mga dasal na kanyang malagpasan ang pagsubok na ito sa kanya at kumakatok din po kami sa inyo para matulungan n’yo po si baby sa hospital bills.
“Kahit konting donation lang po for Baby Emilia kasi hindi ko na po talaga alam kung saan pa po ako huhugot ng pambayad para kay baby, kasalukuyan po s’ya ngayon ay nasa ICU.
“To my Emilia, magpagaling ka na baby ko! Mahal na mahal ka ni mommy! Miss na miss ko na ‘yung boses mo!” mensahe pa ni Miriam.
Ayon sa singer, kailangan nilang makalikom ng 2.5 million US dollars para maipagamot sa Amerika ang anak. Sa ngayon, patuloy ang ginagawang donation drive ni Miriam at ng asawang si Khalid Maher Al Raee sa pamamagitan ng GoFundMe crowdfunding platform.
“Please help our family raise the funding needed for Lilah’s immediate treatment and associated travel expenses. There are few treatments for this illness such as Zolgensma, Sprinraza, and Evrysdi but unfortunately not available in our country, the Philippines.
“We still need to bring our daughter to the US for treatment. The treatment alone already costs millions of dollars.
“We are so heartbroken but as parents who have already lost a child, we don’t want to lose another one. We trust and believe that God will help us and provide us a miracle through the help of your donations as well.
“We are trying to raise $2.5 million for Lilah’s rare medical condition, so any help you can give will go a long way.
“We know how hard we’re all coping because of the pandemic, but if you’re able to spare some extra funds, please help our daughter to survive,” pahayag pa nina Miriam at Khalid.
Para sa mga gustong magbigay ng tulong maaari kayong makipag-ugnayan kay Miriam sa pamamagitan ng kanyang official social media accounts. Ngunit paalala lamang, mag-ingat sa mga online scammer.
https://bandera.inquirer.net/291492/miriam-quiambao-nakaranas-ng-mastitis-matapos-masiko-ng-baby-ang-kanyang-dibdib
https://bandera.inquirer.net/306341/miriam-umamin-sa-tunay-na-dahilan-kung-bakit-nagdesisyong-tumira-sa-bora-kasama-ang-pamilya
https://bandera.inquirer.net/288959/miriam-quiambao-may-pinagtugtog-na-album-habang-nanganganak-i-was-both-excited-and-anxious
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.