Nagbigting ina, nanggulpi muna | Bandera

Nagbigting ina, nanggulpi muna

- July 08, 2013 - 01:55 PM

NAGBIGTI ang 45-anyos na ina sa loob ng apartment sa Quezon City pagkatapos na umano’y gulpihin ang 8-anyos na anak na lalaki at hampasin sa ulo ng bote ng brandy.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, ng QC Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang bangkay ni Marvelina Escandor ay natagpuan ng kapitbahay na nakabitin mula sa biga ng apartment sa Barangay Baesa,  Project 8.
Pinuwersa ng kapitbahay, na kinilalang si Ricardo Arnaiz, ang pinto ng apartment nang marinig ang daing ng sugatang bata.
Sinabi ni Arnaiz na narinig niya ang anak ng biktima na umiiyak mula sa loob ng apartment at humihingi ng tulong.
Ayon kay Arnaiz, tinawag niya ang ilang kapitbahay para puwersahin ang nakasarang pinto ng apartment.
Nang makapasok, tumambad ang nakabiting bangkay ng biktima at nakatali sa leeg nito ang kable ng kuryente.
Natagpuan ng mga kapitbahay ang bata na may mga galos at pasa sa mukha at noo.  Agad na isinugod ang bata sa ospital at ang insidente ng suicide ay iniulat sa barangay.
Sinabi ni Lazo na nagtapat sa kanya ang bata na sinaktan siya ng kanyang ina at pinalo ng bote ng alak, bago ito nagbigti.  Inoobserbahan pa sa ospital na di binanggit ang pangalan ang sugatang bata. —Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending