Talakerong male celebrity nabuking ang ‘lihim’ nang hubaran ng kalaro sa basketball
HANGGANG ngayon, kapag natututukan ng kuwentuhan sa mga umpukan ang isang matabil na male personality, ay pinagtatawanan pa rin siya. Hindi siya mismo kundi ang kanyang sandata.
Naging artista ng isang malaking network ang lalaking personalidad na ito. Pero mailap sa kanya ang suwerte, namimili siya ng role dahil bahagya na siyang umangat sa lupa, hindi pang-leading man ang kanyang pakete.
Kuwento ng isang source, “Kapag nagbabasketbol silang magkakatropa, e, hindi siya sumasabay sa shower room. Gusto niya, e, mag-isa lang siya du’n. Nu’ng una, e, nagtataka ang mga kaibigan niya kung bakit.
“Hanggang sa may isang kasamahan siyang sobrang sutil, talagang hi-nubuan siya habang naglalaro sila ng basketball, tumambad ang lihim ng male personality!
“Kaya naman pala! Wala pala talagang maipagmamalaking armas ang kanilang kasamahan, parang cocoon lang ‘yun, na naging tawag na sa kanya ng mga co-actors niya,” kuwento ng aming impormante.
Hindi naman i-pinagkakalat pero aminado ang isang ex niya na hanggang sa pagyayabang lang naman ang alam ng male personality. Masyado siyang madaldal, itsinitsismis niya ang mga kasamahan niyang artista, pero ang totoo ay siya ang katsismis-tsismis.
“Kung anu-ano ang i-pinagkakalat niyang kuwento tungkol sa mga kasamahan niyang artista, sobrang daldakina niya, pero ang totoo, e, siya nga itong dapat pagpistahan dahil sa kanyang pagiging cocoon!
“’Yun ang ginagawa niya, inililigaw niya ang issue, para mailayo sa kanya. Kung sinu-sinong artista ang ikinukuwento niyang taga-Duty Free, e, siya nga ang tagaroon!
“Ano tuloy ang nangyari sa kanya, waley! Nasaan na ba siya ngayon, nagtatago sa kung saan-saan, umurong ang yagbols niya dahil tinuluyan siya ng pamilya ng ex niya na binaboy-baboy niya!
“Magaling siyang manira, makialam at mambira, pero kapag siya ang binabalikan, hindi niya tinatantanan ang lumalaban sa kanya! Pikon si little boy!
“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siya ang lalaking mukha mo! Getlak n’yo na?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.