Sikreto ng tagumpay nina Maymay at Edward: Basta magpakatotoo lang!
“MAGPAKATOTOO ka lang!” Yan daw ang isa sa mga sikreto ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber na patuloy ang pamamayagpag ng career mula noong lumabas sila sa Bahay Ni Kuya.
Naniniwala ang magka-loveteam na minamahal sila ng milyun-milyong MayWard fans dahil sa kanilang sinseridad at pagiging totoo sa isa’t isa. Kaya naman hanggang ngayon ay very visible pa rin sila sa pelikula at telebisyon.
Sa darating na 2018 Metro Manila Film Festival, muling mapapanood ang tambalang MayWard sa entry ni Vice Ganda na “Fantastica” at ngayon pa lang ay excited na raw sila dahil first time nga nilang makikibahagi sa taunang filmfest.
Ano ba ang mga role nila sa pelikula? “Ako yung kapatid ni ate Vice, pero yun lang ang puwede kong sabihin. Sigurado ako matutuwa kayo. Si direk Barry (Gonzales) yung direktor namin, nagbibigay siya ng freedom. Halos lahat ng eksena spontaneous. Yung script parang guide lang.
“Pero yung mga jokes, yung kilig, lahat parang on-the-spot lahat. So we had a lot of freedom to be who we are or who the characters are,” chika ni Edward sa panayam ng ABS-CBN.
Sorpresa rin daw ang role ni Maymay sa movie at aniya, natural na natural ang mga eksena nila ni Edward.
“Kasi may binibigay sa amin na script tapos nasa amin na yun kung paano namin lalaruin. Bale hindi naman kailangan paghandaan talaga na kailangan ganito gagawin mo, hindi ganun. Parang kusa lang siyang lumalabas para mas maging natural,” pahayag ni Maymay.
Hirit pa ng dalaga, dahil sa super komportable na sila sa isa’t isa hindi na masyadong effort ang mga kilig scenes nila, “Dati pa namin sinasabi ito na magpakataotoo ka lang tapos hindi mo kailangan i-push yung sarili mo para magpakilig.
“Parang natural na lang lalabas yun eh. Hindi mo kailangan ipilit yung sarili mo para maging iba ka sa iba. Maging ikaw lang din tapos lalabas lang din yung magic dun,” dugtong pa ni Maymay.
Sey naman ni Edward, ang relasyon nila ni Maymay ngayon ay nag-mature na rin kahit paano kung ikukumpara noong nasa PBB house pa lang sila, “If you’re already who you are then you’re already different from everyone else.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.