Marian napaiyak nang umatras si Dingdong sa politika; hiling na magka-baby pa ng marami | Bandera

Marian napaiyak nang umatras si Dingdong sa politika; hiling na magka-baby pa ng marami

Ervin Santiago - October 26, 2018 - 12:25 AM

REI TAN AT MARIAN RIVERA

HINDI pa lumalabas ang kanyang ikalawang baby, humihiling na agad ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng kasunod para matupad na ang wish niya na magkaroon ng maraming anak.

Sa nakaraang grand mediacon na ibinigay ng BeauteDerm kay Marian bilang kauna-unahang endorser ng mga bagong produkto nito para sa Reverie Home, ipinakita ng misis ni Dingdong Dantes ang lumalaki na niyang tiyan. Tapos na raw siyang maglihi at ipinagdarasal niya na maging healthy ang kanilang second baby.

Wala pa raw idea ang Kapuso actress-TV host kung lalaki o babae ang kanyang ipinagbubuntis, “Halu-halo nga ang hula nila, may nagsasabi more on babae, meron ding lalaki. Sabi ko nga, ke babae o lalaki, okay lang iyan. Importante biniyayaan uli ako.”

May naiisip na rin daw sila ni Dingdong kung ano ang ipapangalan sa kanilang baby, boy man ito or girl.

Sa panayam ng entertainment media kay Marian after ng Reverie By Beautederm presscon, sinabi nitong napaiyak talaga siya nang mag-decide si Dingdong na huwag munang pasukin ang politika para maalagaan siya sa kanyang pagbubuntis.

“Na-touch nga ako sa asawa ko, na sabi niya, ‘Mahal, ang priority ko ikaw, ang pamilya natin.’ Crayola ako!” pahayag ni Marian.

Samantala, sunud-sunod naman ang pagdating ng mga bagong endorsements kay Marian, ang pinakabago nga ay itong Reverie Home. Ayon sa CEO at President ng Beautederm na si Rei Tan, ang Kapuso Primetime Queen ang napili niyang ambassador ng mga bago niyang produkto dahil sa ‘di matatawarang track record nito pagdating sa mga desisyon niya sa kanyang career at personal na buhay.

Ang Reverie Home ay isang exquisite line ng mga home scents, mula sa mga soy candle hanggang sa mga room at linen sprays – na nilikha ng Beautederm na isang consistent Superbrands awardee.
Mismong si Marian ang pumili ng scents nito pati na ang mga materials na gagamitin na binili pa mula sa ibang bansa. Nariyan ang Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent) at Rest & Relaxation (Lavender Scent).

Para sa Kapuso actress, ang pagkakaroon ng maligayang tahanan ay ang pagkakaroon ng isang warm, safe at pleasant na environment kung saan nag-uumapaw ang love, care and comfort, “Sa wakas, ito na po ang isa sa mga best kept secrets ko – ang Reverie. Ito talaga ang aking personal choice para sa akin at para sa aking pamilya.

“Nagpapasalamat ako kay Ate Rei sa tiwala na i-represent ko ang amazing line of products na ito. Talagang ginagamit ko ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat,” ani Marian.

Ayon naman kay Ms. Rei, “Ito ang dahilan why we partnered with Marian – to make her simple, practical yet very stylish lifestyle accessible to everyone.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by BeauteDerm Home at sa mga kapana-panabik na updates kay Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautederm sa Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending