Nora Aunor: Kalimutan na natin ang National Artist Award na yan! | Bandera

Nora Aunor: Kalimutan na natin ang National Artist Award na yan!

Jun Nardo - October 25, 2018 - 10:29 AM

NORA AUNOR

NAGLABAS na ng statement si Nora Aunor kaugnay ng pagkakaisnab muli sa nominasyon niya bilang National Artist for Film na iginawad sa filmmaker na si Kidlat Tahimik.

Narito ang statement ni Ate Guy na ipinadala sa @inquirerdotnet, @banderainquirer at @dziq990 (Radyo Inquirer).

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga NORANIANS at kaibigang nagtitiwala sa aking kakayahan at kontribusyon sa sining at kultura.

“Hindi ko po ito hinahangad at dahil talaga namang wala ang isang hamak na Nora Aunor kung wala po ang mga NORANIANS at ang mga kasamahan ko sa industriyang musika, entablado at pelikulang Filipino noon at ngayon na maraming magagaling at matatalinong taong humubog sa aking talento.

“Sapat na po ang respetong natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpyestahan at hamakin ang mga personal kong pagpupunyagi sa buhay – ako na ang nakikiusap na itigil  na po natin ang lahat nang ito.

“Ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito’y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin? Mas makabubuti pong ipagpatuloy na lang natin ang paglikha ng makabuluhang pelikula at mga awit na magsisilbing inspirasyon sa ating mga Filipino.

“Mas matutulungan natin ang mga bagong filmmakers at mga bagong mang aawit kasama ang mga beteranong aktor at aktres, mga direktor, mga manunulat na mapagbuti ang kanilang sining.

“Hindi ako ang binastos at pinaglaruan nila kungdi ang mga Noranians, mga taong nagtitiwala at naniniwala pa rin sa talentong ibinigay ng Dios sa akin. Isa pa hindi kasi ako pulitikong tao.

“Tuloy lang ang buhay. Tuloy ang trabaho hangga’t binibiyayaan pa rin ako ng Dios para makapagtrabaho. Kaya sa mga minamahal kong mga Noranians at mga kaibigan huwag na kayong malungkot o masaktan.

“Kalimutan na natin ang National Artist na yan. At para maging masaya ang buhay natin manood na lang kayo ng ONANAY, Lunes hanggang Biyernes sa Channel 7. CHEERS!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending