Kilalang female star grabe kapag sinumpong ng kamalditahan, ang sarap paluin ng bareta | Bandera

Kilalang female star grabe kapag sinumpong ng kamalditahan, ang sarap paluin ng bareta

Cristy Fermin |October 23,2018
facebook
share this

Kilalang female star grabe kapag sinumpong ng kamalditahan, ang sarap paluin ng bareta

Cristy Fermin - October 23, 2018 - 12:40 AM

MAY kuwento ang mga miron sa showbiz tungkol sa isang pamoso at magandang aktres. Palaging lumalanding sa mga blind items ang female personality na ito dahil sa kanyang kamalditahan.

Kabisado na ng kanyang mga katrabaho ang kamalditahan ng babaeng ito, may mga pagkakataon kasing malayo pa lang sila ay kumakaway na ang aktres, pero may mga panahon namang halos magkapalitan na ang kanilang mga mukha ay parang bulag na walang nakikita ang babae.

Kuwento ng aming source, “Sumpungin siya, may mga araw na wala siya sa hulog, pero kapag okey naman ang mood niya, wala kang masasabi sa galing niyang makisama.

“Nagluluto pa nga siya ng food para sa production, mahilig kasi siyang magluto, nagpapakain siya ng mga paborito niyang dishes. Kasama ang lahat du’n, hindi lang mga co-stars niya ang meron, hanggang sa crew, meron din siyang ibinibigay.

“Ganu’n siya kapag maayos ang mood niya. Pero naman! Kapag may tantrums si girl, pinakamasarap siyang tampal-tampalin!” simulang kuwento ng aming impormante.

Kapag may sumpong daw ang female personality ay parang wala siyang nakikita. Darating siya sa set nang nakayuko. Wala siyang kinakausap, walang itinatanong sa production, basta wala siyang kibo.

“Saka parang siya lang talaga ang tao sa mundo, wala siyang interaction kahit kanino, alalay lang niya ang kinakausap ni girl! Deadma siya sa lahat, wala siyang panahong makipag-usap kahit kanino.

“Kapag ganu’n na ang sitwasyon, e, alam na ng lahat sa set ang gagawin. Hindi rin siya kinakausap, wala ring kumikibo sa kanya. May sumpong ang lola n’yo!

“Ring nang ring ang phone niya, pero hindi niya sinasagot, iniaabot lang niya ‘yun sa alalay niya. Matindi siya kapag may sumpong, talagang hindi mo siya makakasundo!

“Extremes ang ugali ng babaeng ‘yun. Puwede siyang maging pinakamabait, pero puwede rin siyang maging pinakanakabubuwisit! Ganu’n siya katindi, may sarili siyang mundo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagda-diet na siya ngayon, gusto na raw talaga niyang umarte uli. Pero urung-sulong naman siya, pabagu-bago ng isip! Masarap siyang paluin ng bareta para magising siya sa katotohanan!” pagtatapos na chika ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bareta ba kamo! Aba, may iba pa ba, siya na nga ‘yun, siya na talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending