Ano ang ginawa ni Maymay sa Lola na nasa labas ng ABS-CBN na ikinagulat ni Edward? | Bandera

Ano ang ginawa ni Maymay sa Lola na nasa labas ng ABS-CBN na ikinagulat ni Edward?

Bandera |October 22,2018
facebook
share this

Ano ang ginawa ni Maymay sa Lola na nasa labas ng ABS-CBN na ikinagulat ni Edward?

Bandera - October 22, 2018 - 12:15 AM


KUNG may isang taong tunay na nakakakilala kay Edward Barber, yan ay walang iba kundi ang kanyang soulmate na si Maymay Entrata
Mismong ang binata ang nagsabi na kabisado na ng dalaga ang kanyang ugali kaya wala siyang naitatago rito. Isang patunay dito ang naging reaksyon ni Maymay sa acting ni Edward sa pelikulang “First Love” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Sa panayam ng entertainment media kay Edward kamakailan, sinabi ng binata na nagulat siya sa mga sinabi ni Maymay matapos nitong panoorin ang pelikula. Lahat daw ng mga eksena niya ay tandang-tanda ng Kapamilya youngstar.

“She dissected everything, she remembered parts of the movie, ‘Edward ito, naramdaman ko na that was your first day no?’ And she was right,” chika ni Edward. “She said, ‘I saw you were nervous there'” aniya pa.

Dito nasabi ng teen actor na kilalang-kilala na siya ni Maymay kaya na-fee nito ang kanyang nerbiyos, “I think it’s something that maybe not people can see. I think because she knows me so well, I think she took notes on her phone about the points of the movie.

“So she is one of my biggest critics and one of my biggest supporters,” sey pa ni Edward.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, natanong ang magka-loveteam kung ano ang isang quality na gustung-gusto nila sa sa’t isa.
Sey ni Edward, saludo siya sa kabaitan ni Maymay sa kanyang kapwa kahit hindi niya kilala, “There was this one time when we were coming back from taping and late yung taping and she saw an old woman outside waiting sa audience entrance. And Maymay went inside the store and bought her food.”
Ayon naman sa dalaga, hinahangaan niya ang pagiging caring and loving ni Edward, “Lagi siyang may time para sa mga mahal niya sa buhay. Gusto ko kung paano niya kini-care yung family niya at iba pang mga mahal sa buhay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending