Si Gerald na ang gustong maging asawa ni Bea | Bandera

Si Gerald na ang gustong maging asawa ni Bea

Julie Bonifacio |October 19,2018
facebook
share this

Si Gerald na ang gustong maging asawa ni Bea

Julie Bonifacio - October 19, 2018 - 12:10 AM

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

NI-REVEAL ni Bea Alonzo sa Tonight With Boy Abunda na si Gerald Anderson ang lalaking gusto niyang makasama sa harap ng altar.

ag-guest sa programa ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang aktres para sa promo ng latest movie niya na “First Love” with Aga Muhlach directed by Paul Soriano.

Kita sa mga mata ni Bea na sobrang happy siya sa piling ni Gerald. Hopefully, matuloy na nga sa simbahan ang realsyon nila. But when asked kung sino ‘yung first guy na winish niya na mapangasawa, tumanggi si Bea na magsabi ng name. Napaisip tuloy kami kung sino ‘yung first boyfriend ni Bea sa showbiz.

Hindi si John Lloyd Cruz ang unang boyfriend ni Bea pero ito ang kanyang first kiss on screen. Fifteen years old lang siya that time.

Si Mico Palanca, brother of Bernard Palanca, sa pagkakaalam namin ang una niyang boyfriend. Then, na-link siya kay Gerald pero naudlot dahil pinu-push pa ang loveteam nila ni Kim Chiu that time. Hanggang sa naging boyfriend niya si Zanjoe Marudo.

Anyway, nang makausap namin ang veteran actress na si Isabel Rivas who plays Alpha on ABS-CBN’s new series na Los Bastardos, nabanggit niya na siya ang nag-encourage kay Bea na bumili ng farm.

Nagkasama sina Isabel at Bea sa seryeng Guns And Roses with Robin Padilla and Diether Ocampo nu’ng 2011. Doon ay nakakwentuhan ni Isabel si Bea about her farm sa Zambales.

Kwento ni Isabel sa amin, mula sa four hectares ay naging 30 hectares na ang kanyang farm. Dahil diyan, nahikayat niya na bumili ng farm si Bea. May 10 ektarya raw ang biniling farm ni Bea sa Zambales para sa kanyang ina na maraming puno ng mangga.

For sure, isa lang kanyang farm sa napakarami pang investments ni Bea kaya mapalad ang pakakasalan ni Bea. Rich and famous na, maganda at sexy pa. Di ba Ge?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending