Dating sikat na cager nawasak ang buhay dahil sa bisyo

By Cristy Fermin October 18,2018
share this

Dating sikat na cager nawasak ang buhay dahil sa bisyo

By Cristy Fermin October 18,2018
share this


ISANG gabi ay napagpistahan sa isang malaking umpukan ng mga artista at atleta ang pagsikat at pagbagsak ng isang lalaking personalidad na ipinagmamalaki nu’n ng isang koponan.

Pambatong player siya ng kanyang team. Hindi kumpleto ang laban kapag wala siya. Tinitilian siya ng mga kababaihan at becki dahil bukod sa magaling na siyang maglaro ay guwapo pa siya.

Pero hindi kinayang hawakan ng male personality ang biglang pag-angat ng kanyang pangalan, hindi rin niya nahawakang mabuti ang malaking halagang kinikita niya, kaya kung saan-saan siya napunta.

Kuwento ng aming source, “Maraming nababaitan sa kanya, very generous kasi ang taong ‘yun, maluwag siya sa pera. Alam n’yo naman kung saan siya lumaki, sa isang mataong lugar, kaya marunong siyang makisama.

“Hindi siya laking-subdivision, taong-kalye siya, kaibigan niya ang halos lahat sa community nila. Alam n’yo ba na nu’ng una siyang magkaroon ng kotse, e, ayaw pa niyang iuwi sa bahay nila?

“Meron siyang garahe ng friend niya na pinagpaparadahan ng car niya, umuuwi siyang naka-taxi, kasi nga, ayaw niyang ipakita sa mga kapitbahay nila na meron na siyang sasakyan.

“Ganu’n siya ka-humble, ayaw niyang masabi ng mga kaibigan at kainuman niya du’n na mayaman na siya,” napapailing na chika ng aming impormante.

Nag-asawa siya, artista ang pinakasalan niya, nagkaroon sila ng mga anak. Kung kailan naman meron na siyang pamilya ay saka pa siya nagkaproblema.

Balik-chika ng aming source, “Di ba, patay kung patay siya kung lumaro? Bigay na bigay siya, lumilipad siya sa ere para lang maipanalo ang team niya. Nagkaproblema siya, hindi muna siya pinaglaro, pinagaling muna niya ang injury niya.

“Dahil wala siyang pinagkakaabalahan, du’n na pumasok ang kaway ng bisyo sa kanya. ‘Yun na! Napakalaki ng ipinagbago niya. Mainitin na ang ulo niya, yumabang siya, hanggang sa pati ang malaking naipon niya, e, nauwi lang sa wala.

“Nagkahiwalay silang mag-asawa, hindi na kinaya ng wife niya ang pagbibisyo niya, hanggang sa ang generous na player nu’ng madatung pa siya, e, nanghihingi na lang sa mga kaibigan niya.

“Nakapanghihinayang siya, napakagandang opportunity na, pinakawalan pa niya! Kapangalan niya ang isang guwapong pulitikong hinihiling ng marami na sana’y makalaya na,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, give na give na kung sino siya, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending