Pagbati ni Coco ng ‘happy birthday’ kay Joey minasama

By Ambet Nabus October 17,2018
share this

Pagbati ni Coco ng ‘happy birthday’ kay Joey minasama

By Ambet Nabus October 17,2018
share this

COCO MARTIN AT JOEY DE LEON

Uy, how true kapatid na Ervin na diumano’y may nagpayo kay Coco Martin na huwag itong masyadong magbigay ng mga detalye concerning his past showbiz engagements?

Ayon sa tsismis, parang hindi daw umano nagustuhan ng ilang nasa likod ng career ni Coco ang naging usapan sa social media nang batiin niya ng happy birthday si Joey de Leon sabay pasalamat sa naitulong nito noong nag-uumpisa pa lang sa showbiz.

Habang marami ang pumupuri sa pagiging grateful at humble ni Coco, may mga naalarma daw na posibleng lumabas ang mga noo’y exposure ng Primetime King sa mga indie movies na “baklaan” ang tema.

Naloka talaga kami sa nasabing obserbasyon dahil sa aming pagkakaalam, kahit kailan ay never itinanggi o niligwak ni Coco na during his early days sa showbiz ay sari-sari nga ang kanyang pinagdaanan at naranasan bago pa marating ang posisyon niya ngayon sa industriya.

OA na OA lang kasi at naiirita kami sa naturang tsismis! Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending