Hunk actor na adik sa paghuhubad, kulang na lang magpakita ng nota | Bandera

Hunk actor na adik sa paghuhubad, kulang na lang magpakita ng nota

Cristy Fermin |October 17,2018
facebook
share this

Hunk actor na adik sa paghuhubad, kulang na lang magpakita ng nota

Cristy Fermin - October 17, 2018 - 12:30 AM

PARANG KSP pa rin kung ilarawan ng kanyang mga katrabaho ang isang hunk actor. Palagi siyang kulang sa pansin, kaya gagawa at gagawa siya ng paraang makuha ang atensiyon ng mga tao sa kanyang paligid, sabi pa ng mga nagmamatyag sa kanya.

Kapag ang kanyang mga kasama ay pormal na pormal, magpapakita naman ng kanyang katawan ang male personality, para maiba lang siya.

Kuwento ng aming source, “Palagi naman siyang ganu’n kahit nu’n pa. Palagi niyang ipinagmamalaki ang mga abs niya, pinagpapaguran daw niyang magkaroon ng ganu’n, kaya kailangan niyang ipakita ang resulta.

“Ginagawa niya ‘yun kapag maraming magkakaumpukan lalo na kapag may mga babae. Bigla na lang niyang itataas ang t-shirt niya, patitigasin niya ang tiyan niya, saka siya magtatanong, ‘Ayos ba?’

“Sino naman ang sasagot ng hindi? Natural, ina-appreciate naman ng mga tinatanong niya ang mga abs niya. Maya-maya, ang mga pandesal niya naman sa mga braso ang ipagmamayabang niya.

“Poporma siya na parang contestant sa isang male contest, talagang pinalalaki niya ang mga muscles niya, ipinagmamayabang niya ang mga pinaghihirapan niyang ma-achieve sa kapupunta sa gym,” simulang chika ng aming impormante.

May pagkakataon din na nagpapakita ang hunk actor ng kanyang katawan nang halos hubad-hubad na siya. Kung itinataas niya ang kanyang t-shirt sa pagpapakita ng abs niya, ibinababa niya naman ang suot niyang shorts kapag gusto niyang magmayabang tungkol sa kanyang kakinisan, ‘yung halos kita na ang nota niya.

“Ganu’n siya, parang may pagka-exhibitionist siya talaga. Tama bang ibaba niya ang pantalon or shorts niya para ipakita ang karug niya (karug, karugtong ng mga balahibong nagmumula sa kanyang gubat)?
“Nakakaloka ang lalaking ‘yun, hindi na lang niya hintaying purihin ng ibang tao ang ganda ng katawan niya, siya pa ang nagmamayabang!

“Naku, una muna sana niyang asikasuhing mawala ang sipon niya na parang asawang ayaw humiwalay sa kanya, ‘no! Mas maganda sigurong maggupit muna siya ng mga kuko niya sa kamay at paa para maging malinis!

“Pangaralan n’yo nga ang hunk actor na ‘yan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” napapailing na pagtatapos ng chikadora naming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending