Horoscope, October 16, 2018

By Madam Sophia October 16,2018
share this

Horoscope, October 16, 2018

By Madam Sophia October 16,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Negosyong may kaugnayan sa kandila at pang-Halloween ang dapat simulan, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pag handaan ang pagdating ng kasuyong Virgo, may masarap na romansang magaganap. Mapalad ang 2, 10, 27, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos ka lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 3, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi dapat malungkot kung nasasaid na ang pera sa bulsa. Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre, maraming materyal na bagay ang kusang darating. Sa pag-ibig, wag magpabago-bago ng isip at desisyon upang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om”. Red at violet ang buenas
Gemini – (May 21-June 21) — May karamdamang kakatok – wag papasukin! Kumain ng maraming prutas upang hindi tablan ng sakit. Sa pag-ibig, sumunod lang ng sumunod sa mungkahi ng dominanteng kasuyo upang magtuloy-tuloy na ang inyong pagunlad. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Tulungan mo siya ng bukal sa iyong puso. Dahil matapos kang tumulong sa mga nangangailangan, gagantihan ka ng langit ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa’yong kagandahan, ngunit may isang naka-dilaw na magbibigay sa’yo ng husto at sapat na ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Bukod sa dilaw ang gold ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Matapos ang mga pagsubok, magugulat ka, dahil muling madragdagan at muling darami ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, higit na mas magiging masarap ang paparating na romansa kaysa sa huling nagdaan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ngayon pa lang pag-isipan na kung paano ise-celebrate ang iyong kaarawan upang makatipid. Sa pag-ibig, may espesyal na regalong matatanggap mula sa kasuyo na hinding-hindi mo malilimutan. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mas madaling yumayaman ang mga Sagittarius kung naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang nilalang na iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, sa isang maling balita may pagsubok na darating sa inyong relasyon. Dapat magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Beige at purple ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18) — Maging masaya, sapagkat sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, patawarin na ang kasuo, tutal minsan nagkakamali ka rin naman. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Orange at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Pahalagahan ang bawat oras. Samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minutong lumipas upang ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending