Fans ni Maine nagbayad ng P1,500 bawat isa… nagpa-lechon sa shooting ng Jack Em Popoy

By Alex Brosas October 15,2018
share this

Fans ni Maine nagbayad ng P1,500 bawat isa… nagpa-lechon sa shooting ng Jack Em Popoy

By Alex Brosas October 15,2018
share this

PASABOG ang aria ni Myrna Baluyut sa Twitter. Ang claim niya, fans of Maine Something were charged P1,500 each para sa pa-lechong baka at baboy.
“Sarap ng hinanda sa JEP (Jack Em Popoy), lechong baka at baboy. Pero alam kaya ni Menggay P1500 per head ang siningil sa mga miembro ng fans club na yan. Tsk tsk. Lakas talagang magpalapad ng papel itong FC invoved. Sorry may nagreport lang sa akin na nagrereklamong member calling for auditing ng ginastos,” tweet ni Aling Myrna.
“Expected ko na itong mga mulats magre react. Nothing new. I just report what was PMed to me so I am not worried or affected by your nega responses. Mulats nga eh what do you expect. Sorry guys I only post what was fed to me and may statement sa messenger ko ang nagreklamo,” dagdag pa niya.
Not surprisingly, sinupalpal siya ng fans ni Maine.
“Mahiya ka sa sinasabi mo. Hindi sila nanghihingi sa members. May alam nga ako na fan ni Maine bumunot ng sariling pera P50K dinonate sa Mainelandia kaya balewala lang yan palechon na yan. Oh baka naiingit ka lang.”
“Teka lang…may kilala ako sa mga nasa pic at nagpalechon. Nag aya pa pumunta dun pero wala naman siningil sa kin or sa min?! Sino kausap mo?! Di mo ba nakita?! Mayayaman talaga sila. Piso lang sa kanila ang 1500! duh!”
“What is it to you naman, it’s not your club. Kung may reklamo man sila, why would they come to you? Sino ka ba? Di ka naman ka member. I think someone is making things up again. Dust off those imaginary stories and regale us with your tales.”
“Pakialam mo naman? Mag reklamo ka kung pera mo pinambili/pinambayad. Dami mong hinga. Atupagin mo nalang yang pagsosoco para sa watt pad stories mo. P.S. alam din kaya ni Meng na subject mo sya sa mga pakilig mo?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending