Confirmed: Regine goodbye na sa GMA, hello ABS!
TULOY na tuloy na ang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN. Sa Instagram account ng ASAP, ibinalitang makakasama na ang Asia’s Songbird sa “ASAP Live In Sydney” concert.
Magaganap ito sa Oct. 20, kung saan makakasama ni Regine ang kanyang asawang si Ogie Alcasid at iba pang mga Kapamilya stars.
Ayon sa press release na naka-post sa official Instagram account ng ASAP, “This marks the first time that the best-selling OPM artist of all time will be part of an ASAP live event overseas.”
Matagal nang nababalita na lilipat na si Regine sa ABS pero hindi pa ito kinukumpirma ng Songbird dahil tinapos muna niya ang dalawa niyang show sa GMA, ang Sarap Diva at The Clash.
Samantala, nag-issue na rin ng official statement si GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable tungkol sa pag-alis ni Regine sa Kapuso Network, sa pamamagitan ni GMA Corporate Communications Vice President Angel Javier-Cruz.
Narito ang pahayag ng Kapuso executive: “After two decades, Regine Velasquez-Alcasid has officially said her goodbyes to the Kapuso Network.
“We understand her decision to join her husband and we wish her well as she pursues other opportunities outside GMA Network.”
Samantala, kung may mga nalungkot at nam-bash sa pag-alis ni Regine sa GMA, marami rin naman ang natuwa dahil mapapanood na nila ang Songbird sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.