2 wagi sa Mega Lotto, mahigit P1B jackpot hindi naman napanalunan | Bandera

2 wagi sa Mega Lotto, mahigit P1B jackpot hindi naman napanalunan

Leifbilly Begas |October 13,2018
facebook
share this

2 wagi sa Mega Lotto, mahigit P1B jackpot hindi naman napanalunan

Leifbilly Begas - October 13, 2018 - 03:38 PM

DALAWA ang maghahati sa P72.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Biyernes ng gabi.

Samantalang wala namang nanalo sa P1.1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, dalawa ang nakakuha sa winning number combination na 23-26-12-10-36-30 sa bola ng Mega Lotto. Sila ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO.

Nanalo naman ng tig-P18,910 ang 117 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P350 naman ang 5,054 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 ang 72,909 mananaya na nakatatlong numero.

Sa bola ng Ultra Lotto, inaasahang aabot sa P1.150 bilyon ang jackpot prize mamayang gabi (Linggo).

Nanalo ng tig-P187,780 ang 115 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,820 naman ang 9,449 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang P236,656 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending