Sexy actress bumalik sa pagbebenta ng katawan kaya nilayasan ng asawa | Bandera

Sexy actress bumalik sa pagbebenta ng katawan kaya nilayasan ng asawa

Ambet Nabus |October 13,2018
facebook
share this

Sexy actress bumalik sa pagbebenta ng katawan kaya nilayasan ng asawa

Ambet Nabus - October 13, 2018 - 12:30 AM

Isa ang maganda at seksing aktres sa mga napapabalitang hiwalay na sa asawa.

Kung dati-rati ay pumapatol ito sa mga tsismis tungkol sa kanyang personal life, kataka-takang tahimik at dedma lang ito sa pang-iintriga sa kanya.

Hanggang sa isang umpukan ng mga personalidad na kilala sa isang larangan ay napag-usapan ang maganda at seksing aktres.

Diumano, nabuking daw yata ng asawa nito ang ginawang pag-rampa ng seksing misis sa opisina ng isang napakayaman at maimpluwensyang businessman sa bansa.

Ang rampahang sinasabi ay may kaugnayan sa escort service (out of the country) kasama ang iba pang personalidad gaya ng mga beauty queen, models at iba pa.

Dati pa raw itong ginagawa ng seksing aktres lalo na nu’ng kasikatan niya. Pero hanggang sa magkaasawa at magkaanak daw pala ito ay tuloy pa rin ang kanyang pagraket sa escort service business lalo pa’t hindi na masyadong bongga ang kanyang career.

Kung isa man daw ‘yun sa mga rason ng napapabalitang break-up, tayo na raw po ang mag-isip dahil ang tsismis, sa ganung mundo rin naman daw galing ang asawa ng seksing aktres? Ay, kalurkey!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending