Maine bet na bet ng mga Batanggenyo: ‘From promdi to sossy’ ang emote sa Daddy’s Gurl

By Jun Nardo October 12,2018
share this

Maine bet na bet ng mga Batanggenyo: ‘From promdi to sossy’ ang emote sa Daddy’s Gurl

By Jun Nardo October 12,2018
share this

WALLY BAYOLA AT MAINE MENDOZA

BET na bet ngayon ng mga Batanggenyo ang character ni Maine Mendoza sa bagong sitcom ng Kapuso Network na Daddy’s Gurl. Aliw na aliw sila sa punto ni Meng na ipinasilip sa TV plugs at sa social media.

Kering-keri raw niyang maging Batanggenya kahit taga-Santa Maria, Bulacan siya, huh!

Pero kahit promdi eh, naging sosy si Maine at ‘yung name niyang Visitacion na tawag ng kanyang ina sa sitcom na ginagampanan ni Wally Bayola eh, naging Stacy nang lumuwas na siya sa Maynila.

Unang sabak ng Phenomenal Star sa sitcom gaya ng director nitong si Chris Martinez. Bago umere ang pilot episode ngayong Sabado, sige ang pagbusisi ng director sa bago niyang proyekto.

Sa kanyang Instagram account, inilabas ni direk Chris ang saloobin sa pagsabak sa sitcom na pinagbibidahan din nina Vic Sotto at Oyo Sotto.

“It’s been a while since I’ve put my own stamp on anything. That makes this new sitcom of ours quite special to me.

“It’s my first major TV outing and I’m too lucky to be supported by people I admire and trust. Daddy’s Gurl premieres this Saturday at 7:30PM n GMA Expect comedy in all modes shapes, and, yes, colors,” saad ni Martinez sa color grading, sound mix and scoring check ng mga eksena sa bagong show ng Kapuso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending