Roi Vinzon 7 ang anak sa iba’t ibang babae

By Bandera October 12,2018
share this

Roi Vinzon 7 ang anak sa iba’t ibang babae

By Bandera October 12,2018
share this

ROI VINZON

PITO ang anak ng veteran actor na si Roi Vinzon sa iba’t ibang babae.

Malapit sa totoong buhay ang kuwento ng bagong Kapuso primetime series na pinagbibidahan niya, ang Pamilya Roces kung saan tatlo ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Roi sa nakaraang presscon ng serye, ang kaibahan lang daw ay pinagsabay-sabay ng karakter niya sa Pamilya Roces ang pagkakaroon ng tatlong pamilya.

“Sa totoong buhay ko naman, one at a time, hindi sabay-sabay,” sabi ng beteranang aktor.

Nasa Amerika raw ang una at original niyang pamilya at dalawa ang naging anak niya rito. Divorced naman siya sa una niyang wife.

Kasal siya sa ikatlong nanay ng mga anak niya na narito sa Pilipinas. Thirty-four years old na ang panganay niya habang 10 years old ang pinakabunso.

Dagdag pa ng Kapuso actor, sa Pamilya Roces hindi nagkakasundo ang kanyang mga anak, sa tunay na buhay daw, “Hindi sila nag-aaway, nagpupunta pa sila sa bahay.”

Ayon pa sa veteran actor, hindi pa rin siya makapaniwala na sa edad niya ngayon ay nabigyan pa siya ng chance na makapagbida sa isang teleserye at kasama pa ang ilan sa mga promising young talents ng GMA 7.

Siyempre, todo ang pasasalamat niya sa mga bossing ng Kapuso Network sa blessing na ito.

Nagsimula na last Monday ang Pamilya Roces sa GMA Telebabad ng GMA 7 at ang leading lady niya rito ay sina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa at Ana Roces na naanakan niya lahat.

Ilan sa mga gumaganap niyang anak sa serye ay sina Carla Abellana, Jasmine Curtis, Gabbi Garcia, Sophie Albert at Shaira Diaz.

Kasama rin sa seryeng ito sina Snooky Serna, Rocco Nacino, Christian Bautista, Andre Paras, Mika dela Cruz at marami pang iba. Pamilya Roces is also the primetime comeback of multi-awarded director Joel Lamangan. Napapanood ito gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending