Sagupaan nina Abby at Junjun Binay sa Makati hinihilot

October 11,2018
share this

Sagupaan nina Abby at Junjun Binay sa Makati hinihilot

October 11,2018
share this

SINABI ni Sen. Nancy Binay na tatangkaing ayusin ng mga Binay ang gusot sa pagitan ng kanyang mga kapatid na sina Makati Mayor Abigail Binay at dating mayor Jejomar “Junjun” Binay, na kapwa tatakbo bilang mayor sa Makati City.

“As of the moment hindi na muna ako magsasalita dahil pag-uusapan, susubukan naming ayusin para hindi umabot doon sa ganung senaryo,” sabi ni Sen. Binay sa isang panayam sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Intramuros, Maynila.

Idinagdag ni Binay na kagaya ng isang normal na pamilya, dumadaan din ang pamilya Binay sa ganitong sitwasyon.

“Parang… so far… ‘di ba parang normal lang naman din sa isang pamilya yung may mga ganitong pinagdadaanan? So, kumbaga, isa lang ito, like a normal a family,” dagdag ni Binay.

Nauna nang napaulat na tatakbo rin si Junjun Binay bilang mayor ng Makati kung saan makakatapat niya ang kapatid na si Abby Binay.

“Basta ako, at the end of the day, kahit ano man yung maging resulta pagkatapos ng May 13, 2019 elections, magkakapamilya,” giit naman ni Binay.

Sinamahan ni Sen. Binay sa Comelec si Atty. Dan Roleda sa paghahain ng certificate of candicay (COC) bilang kandidato sa pagkasenador ng United Nationalist Alliance’s (UNA).

Si Binay ang tumatayong presidente ng UNA. Nakatakda siyang tumakbo muli sa pagkasenador sa susunod na taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending