Bitay ibalik, ipataw sa adik na rapist- SWS | Bandera

Bitay ibalik, ipataw sa adik na rapist- SWS

Leifbilly Begas - October 11, 2018 - 02:41 PM

BITAY ang gustong parusa ng maraming Pinoy para sa mga taong nanggagahasa habang nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot, ayon sa survey ng Social Weather Stations noong Marso.

Gusto rin ng nakararaming Filipino, 59 porsyento, na ibalik ang parusang bitay (42 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 17 porsyentong medyo sumasang-ayon) sa mga heinous crimes. Ang mga hindi naman pabor ay 32 porsyento (23 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon, 9 porsyento medyo hindi sumasang-ayon). Ang undecided ay 8 porsyento.

Pero naniniwala ang 63 porsyento na mahihirap lamang ang mapapatawan ng bitay dahil wala silang magaling na abugado at 56 porsyento ang nagsabi na mahihirap ang karaniwang nasa death row.

Sa survey noong Setyembre, sinabi ng 47 porsyento na bitay ang dapat na parusa sa adik na rapist samantalang 44 porsyento ang nagsabi na dapat ay habambuhay na pagkakakulong. Para sa anim na porsyento dapat ay 40 taong pagkakakulong at tatlong porsyento ang nagsabi na 20 taong kulong.

Ang mga gumagawa naman ng ipinagbabawal na gamot ay dapat habambuhay na pagkakakulong ang parusa ayon sa 51 porsyento. Ang nagsabi na dapat bitay ay 33 porsyento lamang. Siyam na porsyento ang nagsabi na 40 taong pagkakakulong at anim na porsyento ang 20 taon.

Ang mga nag-aangkat naman ng iligal na droga ay dapat makulong ng habambuhay ayon sa 53 porsyento samantalang 31 porsyento ang nagsabi na dapat bitayin. Ang pabor sa 40 taon pagkakakulong ay 9 porsyento at 6 porsyento ang 20 taong kulong.

Ang mga papatay dahil nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ay dapat umanong makulong ng habambuhay ayon sa 51 porsyento at bitay ang gustong parusa ng 30 porsyento. Ang walong porsyento ay 40 taong kulong at ang 10 porsyento ay 20 taong pagkakabilanggo.

Ang mga operator ng drug den ay dapat hatulan ng life imprisonment ayon sa 53 porsyento pero bitay ang gustong parusa ng 25 porsyento. Ang 13 ay 40 taong kulong at 7 ang 20 taong kulong.

Ang mga drug pusher naman ay dapat patawan ng habambuhay na kulong ayon sa 55 porsyento samantalang 24 ang gusto na bitayin ang mga ito. Ang 13 ay 40 taong kulong at ang 8 ay 20 taong kulong.

Kung nagtatrabaho naman sa drug den, 54 porsyento ang nagsabi na dapat habambuhay na kulong at 22 porsyento ang nagsabi na bitay dapat ang parusa, 15 ang 40 taong kulong at 9 ang 20 taong kulong.

Sa mga pabor sa pagbabalik ng bitay, naniniwala ang 55 porsyento na marami ang matatakot sa bitay kaya hindi gagawa ng krimen samantalang hustisya ang tingin dito ng 37 porsyento. Solusyon naman ito sa problema sa droga ayon sa 7 porsyento at ang 0.4 porsyento ay pabor dahil mababawasan nito ang bilang ng nakakulong. Sa mga tutol ang dahilan ng 42 porsyento ay dahil sa kanilang relihiyon, 21 porsyento ang naniniwala na mapagbabago ang mga kriminal, 14 ang nagsabi na ito ang pamalit sa bitay, 10 porsyento ang duda sa hustisya sa bansa, 7 ang humanitarian reason at 3 ay dahil sa kuwestyunableng polisiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahalaga naman sa 95 porsyento na maibigay ang hustisya sa mga biktima, 85 porsyento naman ang nagsabi na importante na maipatupad ang hustisya mayaman man o mahirap. Mahalaga rin sa 85 porsyento ang mabilis na pag-usad ng kaso sa korte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending