Mahigit P1B jackpot wala pa ring tumama | Bandera

Mahigit P1B jackpot wala pa ring tumama

Leifbilly Begas |October 10,2018
facebook
share this

Mahigit P1B jackpot wala pa ring tumama

Leifbilly Begas - October 10, 2018 - 03:08 PM

WALA pa ring tumama sa mahigit P1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, bagamat isa naman ang nanalo sa Super Lotto 6/49 ang tumama ng P97.3 milyong jackpot prize.

Hindi pa rin nasungkit ang winning combinations ng Ultra Lotto na 12-16-46-03-38-36. 

Umabot sa P1.026 milyon ang actual jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P158,760 ang 113 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,880 naman ang napanalunan ng 7,594 mananaya na nakakuha ng apat na mananaya. Tig-P20 naman ang tinamaan ng 188,427 mananaya na nakatatlong numero.

Inaaasahan namang tataas pa ang jackpot sa Ultra Lotto sa bola nito sa Biyernes.

Samantala, isang mananaya naman ang nanalo ng P97.384 milyon sa Super Lotto. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 19-32-40-21-05-43.

Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 28 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,280 naman ang 1,308 mananaya na nakaapat na numero. Tig-P20 naman ang 28,776 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending