6 patay sa Rizal buy-bust | Bandera

6 patay sa Rizal buy-bust

John Roson |October 09,2018
facebook
share this

6 patay sa Rizal buy-bust

John Roson - October 09, 2018 - 06:11 PM

ANIM katao ang napatay nang mauwi sa barilan ang buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal, Martes ng umaga, ayon sa pulisya.

Dalawa sa mga napatay ay nakilala sa mga alyas na “Henry” at “Atan,” habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat, sabi ni Senior Supt. Lou Evangelista, direktor ng Rizal provincial police.

Pawang mga kasapi umano ng Waray-Waray group ang anim, at si “Henry” ang tumayo bilang kanilang pinuno, ani Evangelista.

Pinaniniwalaang sangkot sila sa gun-for-hire, carnapping, pagnanakaw, at mga aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga sa Rizal at mga kalapit na bahagi ng Metro Manila, aniya.

Isinagawa ng mga miyembro ng Provincial Intelligence Branch at Drug Enforcement Unit ang operasyon sa Double L, Brgy. San Isidro, dakong alas-8:15.

Nakuhaan ng mga operatiba ang mga suspek ng isang kalibre-.45 pistola, kal.-.40 pistola, kal.-.9mm pistola, tatlong kal.-.38 revolver, isang granada, at 70 sachet na may 50 gramo o P100,000 halaga ng hinihinalang shabu, ani Evangelista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending