10 OPM ‘hugot song’ bakbakan na para sa Himig Handog 2018 | Bandera

10 OPM ‘hugot song’ bakbakan na para sa Himig Handog 2018

Bandera - October 10, 2018 - 12:05 AM

ANG MGA COMPOSER AT INTERPRETER NA MAGLALABAN-LABAN SA HIMIG HANDOG 2018

NAPILI na ang 10 kanta mula sa mahigit 5,000 entries na nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa bilang Himig Handog 2018 finalists na maglalaban-laban para sa Best Song ng pinakamalaking songwriting competition sa bansa.

Kakantahin ang mga orihinal na komposisyon na ito ng ilan sa mga magagaling na musical performers sa tradisyon ng Himig Handog, na ngayon ay may temang “Love Songs And Love Stories.”

Ang Your Face Sounds Familiar Kids Season 2 contestants na sina Krystal Brimner at Sheena Belarmino, kasama ang female idol group na MNL 48, ang aawit ng “Dalawang Pag-ibig Niya” mula sa komposisyon ni Bernard Reforsado ng Albay.

Ang TNT singer naman na si Eumee ang interpreter ng “Hati Na Lang Tayo Sa Kanya” ni Joseph Santiago ng Quezon City.

Nagbabalik naman ang R&B royalty na si Kyla sa ikaapat na pagkakataon bilang Himig Handog interpreter at sasamahan siya ng rapper na si Kritiko para sa awiting “Kababata” ni John Michael Edixon ng Parañaque City.

Ang “Mas Mabuti Pa” mula sa komposisyon nina Mhonver Lopez at Joanna Concepcion ng Laguna ay bibigyang buhay ng TNT grand champion na si Janine Berdin. Kakantahin naman ng BoybandPH ang “Para Sa Tabi” na isinulat ni Robert William Pereña mula pa sa Dubai.

Samantala, pangungunahan ng “Araw Gabi” lead actor na si JM de Guzman ang awitin ng Davao pride na si Kyle Raphael Borbon, ang “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong.” Ang Star Pop artist na si Maris Racal ang magpe-perform ng “Sugarol” na isinulat ni Jan Sabili ng Muntinlupa City.

Nagbabalik rin si Jona na suki ng Himig Handog dahil ito na ang ikatlong taong (magkakasunod) pagsali niya sa contest bilang interpreter para sa awiting “Tinatapos Ko Na,” isang komposisyon ni Sarah Jane Gandia ng USA.

Ang OPM band na Agsunta ang magbibigay interpretasyon sa “Wakasan” ni Philip Arvin Jarilla ng Antipolo, habang si Sam Mangubat naman ang aawit ng “Wala Kang Alam” nina Martin John Arellano ng Manila at Mel Magno ng Pampanga.

Ang mananalo ay ihahayag sa Nob. 25. Tatanggap ng P1 million ang grand prize winner, habang P500,000 naman sa 2nd Best Song.

Ang mga composers na tatanghaling 3rd place ay tatanggap ng P200,000, ang 4th place ng halagang P150,000 at ang 5th place ng halagang P100,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kantang “Titibo-Tibo” mula kay Libertine Amistoso at inawit ni Moira dela Torre ang itinanghal na Himig Handog 2017 Best Song.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending