Kontrobersyal na female celebrity buking na; utak parang buko lang | Bandera

Kontrobersyal na female celebrity buking na; utak parang buko lang

Cristy Fermin |October 09,2018
facebook
share this

Kontrobersyal na female celebrity buking na; utak parang buko lang

Cristy Fermin - October 09, 2018 - 12:25 AM

TAPOS na ang panahon ng pagpapakalalim ng isang kontrobersiyal na babaeng personalidad. Wala talagang lihim na hindi nalalantad. Gaano katagal man ang pagpapanggap, isang araw ay lulutang din ang naturalesa, buking ang female personality.

Ang totoo, ayon sa kanyang mga kasamahan, ay kasingbabaw lang ng tubig sa planggana ang takbo ng kaalaman ng babaeng ito. Nakukuha lang niya sa porma at projection ang kunwari’y kalaliman niya.

Kuwento ng isang source, “Naku, tantanan na niya tayo, ‘no! Kitang-kita naman ang kababawan niya tungkol sa mga isyung pinagtatalunan ng bayan.

“Sawsawera lang siya, mema lang, kaya ang akala ng ibang mga kababayan natin, e, hindi siya nagpapahuli sa balita, na kunwari, e, updated siya!

“Pero ang totoo, kahit nu’ng hindi pa siya nagkakaroon ng silya sa ipinagyayabang niyang departamento, e, super-babaw na talaga siya.

“Sabi nga ng dati niyang friend, para siyang buko na puro sabaw lang, walang laman!” simulang kuwento ng chikadora naming source.

Kunsabagay ay hindi na ‘yun dapat pang pagtalunan, sa kanyang mga panayam ay halatang-halata namang nangangapa siya ng isasagot sa mga ibinabatong tanong sa kanya, nangangapa sa dilim ang girl.

“Madalas siyang makiusap na huwag siyang kinakausap in English, masa raw ang gusto niyang kausapin, kaya kung puwede, sa sarili nating wika lang ang usapan.

“‘Yun ang kalaban niya talaga, ni hindi nga siya makapagsalita in straight English, nagpapanggap lang siya, pero talagang waley, very shallow siya! Akala niya siguro, e, magagawa niya ‘yun sa lahat ng panahon, pero sorry na lang, idinadaan lang niya sa projection ang lahat!” rebelasyong chika pa ng aming impormante.

Tuwing nagkakaroon kuno ng meeting ang mga opisyales ng departamentong kinabibilangan niya ay hindi naman nagsasalita ang kontrobersiyal na babae. Kahit nu’ng mapabilang siya sa isang ahensiyang nakatutok sa mga palabas sa TV at pelikula ay silent as in silent lang ang babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya makasabay sa mga nagtatalu-talo dahil kulang nga siya sa knowledge. Mababaw siya, wala siyang maibigay na kahit anong comment, dahil kapos na kapos siya sa kaalaman.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending