Maymay muling ibinandera ang magic at karisma sa rampahan | Bandera

Maymay muling ibinandera ang magic at karisma sa rampahan

Ervin Santiago |October 08,2018
facebook
share this

Maymay muling ibinandera ang magic at karisma sa rampahan

Ervin Santiago - October 08, 2018 - 12:06 AM
Muling pinatunayan ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata ang kanyang kakaibang magic at karisma pagdating sa rampahan. Hinangaan at pinalakpakan nang bonggang-bongga ang dalaga nang rumampa sa nakaraang Mega Fashion Week. Talagang agaw-eksena ang slim body at towering height ng Kapamilya star. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Maymay ng kanyang photo kung saan model na model ang kanyang aura. Nilagyan niya ito ng caption na: “Maging Mapanuri, Mapagmatyag, Mapangahas. Eto po si Maymay MATANGLAWIN! Hahaha!” Libu-libong likes at comments ang nakuha ng IG photo ni Maymay mula sa kanyang supporters pati na rin sa mga kapwa Kapamilya celebrities. At siyempre, hindi rin nagpatalbog ang ka-loveteam niyang si Edward Barbers na equally-gorgeous din na rumampa sa nasabing fashion event. Bukod sa MayWard, nagpakitang-gilas din sa runway sina Nadine Lustre, Laureen Reid at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending