Showbiz couple naghiwalay daw dahil sa pera | Bandera

Showbiz couple naghiwalay daw dahil sa pera

Cristy Fermin |October 08,2018
facebook
share this

Showbiz couple naghiwalay daw dahil sa pera

Cristy Fermin - October 08, 2018 - 12:05 AM

TAHIMIK lang palang magdala ng problema ang isang showbiz couple. Hindi sila katulad ng ibang mga magkarelasyon na konting problema lang ay agad nang nakasumbong sa social media.

Wala silang inilalabas na kahit ano, basta tahimik lang sila, pero nasa katahimikang ‘yun ang isang matinding desisyon.

Kuwento ng mga may alam tungkol sa kanilang paghihiwalay ay matagal nang nagkakaroon ng problema ang naghiwalay na mag-asawa. Marami na silang pinagtatalunan.

Pero walang lumalabas, walang kahit anong nakakaalam na malalim na pala ang problema nila na humantong na nga sa pagkakani-kanyang landas.

Nakatira pa rin sila sa isang bubong hanggang ngayon pero wala na silang pakialamanan. Dumarating-umaalis nang walang tanu-ngan.

Kuwento ng isang source, “Imposible namang naghiwalay sila nang walang dahilan. Kahit pa sinasabi nila na walang third party involved, marami siyempreng ibang dahilan ang paghihiwalay nila!

“Ano ‘yun, basta naghiwalay lang sila? Ano ‘yun, agad-agad na lang na nawala ang love nila sa isa’t isa? Walang biglaan sa mundo, lalo na sa hiwalayan, dumaan muna siyempre ‘yun sa mahabang proseso,” chika ng aming source.

Kung walang third party ay may mga nagkokomento na pera diumano ang pinag-awayan ng nagkahiwalay na mag-asawa. Pero ang tanong, hindi naman sila magarbo sa buhay, napakasimple lang nila, kaya anong kayamanan ang magiging dahilan ng kanilang away?

“Parang wala naman silang kailangang pag-awayang datung. Hindi naman sila mayaman, di ba? Nagtatrabaho sila, nagbi-business, pero hindi naman sila kinakitaan ng pagyayabang tungkol sa kabuhayan showcase nila.

“’Yung girl, napakasimple, ‘yung guy, ganu’n din, hindi naman sila nagpo-flaunt na mayaman na sila kahit kailan. Kung pera nga ang pinag-awayan nila, kaninong pera?” pagtatapos na chika ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano sa palagay n’yo ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending