Lakas daw ng trip: Alex nag-sorry sa 'droga joke' | Bandera

Lakas daw ng trip: Alex nag-sorry sa ‘droga joke’

Ervin Santiago - October 08, 2018 - 12:08 AM

ALEX GONZAGA

Nag-sorry si Alex Gonzaga sa mga netizens na na-offend sa kanyang “insensitive joke” tungkol sa mga drug user.

Ito’y matapos siyang ireklamo ng isang Twitter user (@jerichorayel) dahil sa isang vlog entry na kuha sa Cubao Expo. Inikot ng dalaga ang ilang vintage shops doon para ipakita ito sa kanyang follo-wers.

Habang isinagawa ang kanyang video, napatigil si Alex at napagtripan ang isang grupo ng mga kalalakihan sa nasabing lugar.

Maririnig sa video ang dialogue ni Alex with matching sound effects, “Anong pinagbubulungan natin? O, ano? Mag-ihi tayo, drug test tayo.”

Hirit pa niya, “Galit na siya sa akin, parang papatayin na niya ako. Joke lang, o. Ito naman, o.”

Ang video na ito ang nirepost ni @jerichorayel at nilagyan ng caption na, “This is a clip of the Cubao Expo vlog of Alex Gonzaga. This is so insensitive on so many levels especially now that the government is out there killing people tagged as drug users.”

“Second, hindi siya funny. Hindi nakakatawang pagbintangan kang adik.”

Ito naman ang reply ni Alex, “@jerichorayel, she said, “To some people who find my humor annoying and [insensitive], sorry. How I wish you may never see or click any of my videos again. Lalo na sayo @jerichorayel kasi sobra na galit mo at tinag mo pa ko. Pero sa mga natutuwa, tuloy tayo.”

Sa si-nabing ito ni Alex, mas marami pa ang nagalit sa kanya at nagsabing hindi naman sincere ang pagso-sorry niya dahil may halo pa itong pagmamaldita.

Ilang netizens din ang nagsabi na ibang-iba raw talaga ang ugali niya sa kanyang ate na si Toni Gonzaga. Sana raw maging sensitive naman ang dalaga sa feelings ng ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending