3 getaway vehicles na ginamit sa pagpatay sa vice mayoral bet sa Pampanga hinahanap na | Bandera

3 getaway vehicles na ginamit sa pagpatay sa vice mayoral bet sa Pampanga hinahanap na

- October 07, 2018 - 04:52 PM

HINAHANAP na ng Pampanga police ang tatlong sasakyang ginamit ng mga salarin sa pagpatay kay Sasmuan municipal councilor at vice mayoral bet Jesus Reyes noong Oktubre 6.

Base sa nakuhang footage ng mga security camera, makikita ang dalawang lalaki na inabandona ang motorsiklo, lumipat sa isang sports utility vehicle at umalis sa pinangyarihan ng krimen.

“About three vehicles are now our subjects for record checks,” sabi ni Senior Supt. Nicanor Salvador, Pampanga police director.

Hindi naman siya nagbigay ng detalye kaugnay ng ikatlong sasakyan.

Nagja-jogging si Reyes sa kahabaan ng Dalan Baba road sa Barangay Sta. Lucia nang saksakin siya at barilin ng mga suspek ganap na alas-6:30 ng umaga.

Namatay ang biktima ganap na alas-10:41 ng umaga.

Nakasuot ang mga suspek ng bonnet.

Nangyari ang pagpatay matapos namang makuha ni Reyes ang suporta ng lokal na partido na Kambilan, para maging kandidato nila sa pagka vice mayor sa May 2019 midterm elections, ayon kay Vice Governor Dennis Pineda, na siya ring vice chairman ng Kambilan.

Nangyari ang pag-atake isang linggo bago ang pagsisimula ng ng paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre 11.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending