Du30 nag-Hong Kong | Bandera

Du30 nag-Hong Kong

Bella Cariaso |October 07,2018
facebook
share this

Du30 nag-Hong Kong

Bella Cariaso - October 07, 2018 - 03:47 PM

NAGPUNTA sa Hong Kong si Pangulong Duterte kasama ang longtime partner na si Honeylet Avancena, bunsong anak na si Kitty at si Special Assistant to the President (SAP) Christipher “Bong” Go.

Sinabi ni Go na dumating sila sa Hong Kong madaling araw ng Sabado at nakatakda ring bumalik sa Pilipinas ng Linggo.

Hindi naman batid ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa Hong Kong si Duterte matapos namang sabihing nasa Davao City nang tanungin kung nasaan ang pangulo.

Matatandaang inamin ni Duterte na sumailalim muli siya sa endoscopy at colonoscopy sa Cardinal Santos Medical Center taliwas sa sinabi ni Roqaue na nag-day off lamang ang pangulo kayat hindi nakadalo sa ilang opisyal na iskedyul.

Bukas, inaasahang maghahayag si Roque kung ano ang kanyang desisyon kung magbibitiw sa pwesto matapos namang hindi ipaalam ang nangyayari kay Duterte.

Binigyan ni Roque ang sarili hanggang weekend para mag-isip kung mananatili pa ba sa Gabinete ni Duterte o tuluyang magbibitiw.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Go na bumili pa si Duterte ng kulay na dilaw na jacket kahit pa umano binabatikos ng mga dilawan.

Inaasahan namang nakabalik na si Duterte sa bansa ngayong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending