Beauty Gonzalez ayaw na uling magpabuntis sa asawa | Bandera

Beauty Gonzalez ayaw na uling magpabuntis sa asawa

Ervin Santiago |October 07,2018
facebook
share this

Beauty Gonzalez ayaw na uling magpabuntis sa asawa

Ervin Santiago - October 07, 2018 - 01:10 AM

BEAUTY GONZALEZ AT OLIVIA

“AYOKO na!” Ito ang patiling sagot ni Beauty Gonzalez nang matanong kung gusto pa uli niyang mabuntis para sundan ang panganay na anak na si Olivia.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Kadenang Ginto, sinabi ni Beauty na maligaya at kuntento na siya sa isang anak.

“Okay na ako kay Olivia. I’m already happy with Olivia, and my husband has other kids already, all four boys,” paliwanag ng aktres.

Ang payat-payat ngayon ni Beauty at okay lang naman daw ang katawan niya sa asawang si Norman Crisologo. Ang kanyang one-meal a day diet daw ang sikreto sa pagbabawas niya ng timbang, “I don’t eat pork anymore, I don’t eat chicken. Fish lang ‘saka more on vegetables. May cheat day, kasi ‘yung asawa ko nagagalit ‘pag di ako kumakain.

“I only do intermittent fasting. So I only have one meal a day. Pero ‘yung one meal a day ko, lahat na ‘yun, with all the nutrients,” sey ni Beauty.

Nagbigay naman siya ng advice sa mga mommy na gusto ring ma-achieve ang kanyang slim body, “Start first with being healthy, then after that masasanay din ang katawan mo. And ‘wag kayong maniwala na overnight lang ‘to. Ang tagal-tagal bago ako magkaroon ng ganitong katawan.”

Samantala, muli na namang mapapasabak sa matinding drama at aktingan si Beauty sa afternoon series na Kadenang Ginto na magsisimula na ngayong Lunes sa Kapamilya Gold, kasama sina Dimples Romana, Albert Martinez, Luis Alandy, Andrea Brillantes, Francine Diaz at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending