Sayang: Walang forever para kina Romnick at Harlene | Bandera

Sayang: Walang forever para kina Romnick at Harlene

Cristy Fermin |October 07,2018
facebook
share this

Sayang: Walang forever para kina Romnick at Harlene

Cristy Fermin - October 07, 2018 - 12:40 AM

ROMNICK SARMENTA AT HARLENE BAUTISTA

Wala talagang garantiya ang mahabang panahon ng relasyon para humantong ‘yun sa tinatawag na forever. Kung meron mang forever o habampanahong pagmamahalan.

May mga mag-asawa ngang limang dekada nang nagsasama, pero kung kailan pa pumuti na ang kanilang buhok ay saka pa sila nagkahiwalay, hindi haba at igsi ng panahon ang nagdidikta ng pagsasama kundi ang kapalaran.

Maraming nanghihinayang sa nawasak na relasyon nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Halos dalawang dekada na ‘yun, tatlong pagpapakasal pa nila ang pinagdaanan ng nasirang relayon, nagkaroon sila ng mga anak pero sa hiwalayan din sila nagtapos.

Walang nakakaalam ng mga dahilan ng hiwalayan kundi silang dalawa lang. Nagdesisyon silang maglabas ng kanilang opisyal na pahayag pero hanggang du’n lang ‘yun. Kapribaduhan para sa kanilang dalawa at sa kanilang mga anak ang hinihiling nina Romick at Harlene.

Itinuturing man silang mga pampublikong pigura ay ayaw nilang gawing karnabal ang nakakalungkot na bahaging ito ng kanilang relasyon. Basta maganda nang sa kanilang dalawa nanggaling ang pag-amin kesa sa ibang tao.

Hindi naman maramot ang publiko. Kung privacy ang kanilang hiling ay mauunawaan naman ‘yun ng ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending