Kontrobersyal na singer-actress ‘binarat’ ang TF kaya nakabalik sa dating network | Bandera

Kontrobersyal na singer-actress ‘binarat’ ang TF kaya nakabalik sa dating network

Cristy Fermin |October 07,2018
facebook
share this

Kontrobersyal na singer-actress ‘binarat’ ang TF kaya nakabalik sa dating network

Cristy Fermin - October 07, 2018 - 12:35 AM

HINDI na tulad nang dati kapaboloso ang talent fee ng mga artistang may regular na trabaho sa telebisyon. Kung dati’y puwede na nilang ipangutang ang kanilang kinikita, ngayon ay hindi na ganu’n kalaki ang kanilang talent fee, nabawasan na nang malaki.

‘Yun ang naging usap-usapan sa isang umpukan ng mga nagtatrabaho sa iba-ibang network. May kuwento pa nga ng tawaran. Kung ilang minuto o oras lang naman ang ekstensiyon ng taping, sa halip na isang araw ang bilang, tinatawaran na lang ‘yun ng istasyon.

Kuwento ng isang source, “Saka nagbabawas na sila ng mga contract stars na sobrang laki ng talent fee. ‘Yung isang controversial actress, kaya nga hindi na siya ini-renew ng network, e, dahil sa napakalaki niyang talent fee.

“Nu’n naman, pinabayaang lumipat ng kanyang network ang isang singer-actress, malaki ang kinita niya sa nilipatang station, pero naging panandalian lang naman ‘yun.

“So, nu’ng bumalik siya sa dati niyang station, nagkita sila sa gitna, nagkasundo sila sa hindi kalakihang talent fee sa mga gagawin niyang projects.

“‘Yun ang dahilan kung bakit nakabalik uli siya sa dati niyang network, talagang nagkatawaran sila sa talent fee,” unang chika ng aming impormante.

Napakalaki raw kasi ng natitipid ng network kung magbi-build-up na lang sila ng mga artistang nanggagaling sa kanilang mga reality shows.

“Mas tipid kasi ang ganu’n. Mabilis magpasikat ngayon ng mga artista, lalo na ng mga bagets, na kapag nagkapangalan na, e, maliit lang ang talent fee na tinatanggap sa station.

“Alam ng mga managers ng artista ang kalakaran na ganyan ngayon. Hindi na tulad nu’n ang bigayan ng TF ngayon, malaking-malaki ang nabawas. Kaya ‘yung may malalaking talent fee, kung may offer sa ibang network, pinakakawalan na nila.

“Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit nawala sa network niya ang isang sikat at magaling na actress-TV host. Hindi sila nagkasundo nu’ng magkausap sila ng mga executives ng network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Three year-contract ang gusto ng female personality, ganu’n din ang talent fee niya, pero ang gusto lang ng network, e, program contract. Hindi sila nagkatuluyan sa renewal,” madiing pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending