Joem mas yummy ngayon; Tony pinaglalaway ang mga bading | Bandera

Joem mas yummy ngayon; Tony pinaglalaway ang mga bading

Ambet Nabus |October 06,2018
facebook
share this

Joem mas yummy ngayon; Tony pinaglalaway ang mga bading

Ambet Nabus - October 06, 2018 - 01:15 AM

TONY LABRUSCA, JOSEPH ABELLO AT JOEM BASCON

TUNAY namang napaka-yummy ng aura ngayon ni Joem Bascon dahil bukod sa pumayat at nagmukhang bata sa edad niya, gumuwapo rin ito at saktong-sakto lang ang pagka-hunk.

“Kailangan, eh. Baka lamunin tayo ng buo!” sey nito sa pelikula nila ni Tony Labrusca na “Double Twisting, Double Back,” an entry for 2018 Cinema One Originals Film Festival directed by Joseph Abello.

Isang sports erotic film ang movie ayon kay Joem at aminado siyang marami na naman siyang ginawang maiinit na eksena rito. Hindi man niya diretsong sinabi, pero mukhang may “something” sa mga roles nila ni Tony na gumaganap na gymnast/athlete sa kuwento.

Aminado rin si Joem na hindi niya kayang palagpasin ang magandang role na ito dahil by the time raw na umabot na siya sa edad na 35-40 ay baka pagsisihan niya kung hindi niya ginawa.

“Daring, sexy, erotic,” ilan lamang iyan sa mga description ni Joem sa pelikula nila ni Tony na isa ngayon sa mga favorite ng mga beki dahil sa pagiging game nito sa paghuhubad. Grabe rin daw kasing manukso ang aktor sa kanyang mga sexy photos sa Instagram.

Ang 2018 edition ng Cinema One Originals filmfest ay may temang “I Am Original.” Magsisimula ito mula Okt. 12 hanggang 21 sa mga sinehan ng Gateway Cineplex, Power Plant Cinema, at sa mga piling sinehan ng Ayala Malls.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending