PH men’s team wagi sa Zambia | Bandera

PH men’s team wagi sa Zambia

Angelito Oredo - October 04, 2018 - 09:46 PM


ITINALA ni International Master Jan Emmanuel Garcia (Elo 2439) ang nag-iisang panalo ng 54th seed Philippine men’s team matapos makipaghatian ng puntos sina Grandmasters Julio Catalino Sadorra (Elo 2553) at John Paul Gomez (Elo 2464) at IM Haridas Pascua (Elo 2435) para itala ang 2.5-1.5 panalo kontra 95th seed Zambia sa ikasiyam na round ng 43rd World Chess Olympiad na ginaganap sa Sports Place sa Batumi, Georgia Miyerkules ng gabi.

Tangan ang puting piyesa, tinalo ni Garcia si Kela Kaulule Siame (Elo 2160) matapos ang 60 moves ng English Opening sa board three para rendahan ang pagwawagi ng Pinoy men’s squad.

Humirit si Sadorra ng tabla kay IM Andrew Kayonde (Elo 2393) matapos ang 31 moves ng Catalan Opening sa board one habang si Gomez ay nakahirit din ng tabla kay Fide Master Douglas Munenga (Elo 2273) matapos ang 30 moves ng Ruy Lopez Opening sa board two at si Pascua ay nakihati ng puntos kay Prince Daniel Mulenga (Elo 2337) matapos ang 45 moves ng King’s Indian Defense sa board four.

Dahil sa natamong panalo ang PH men’s team ay nakisalo sa ika-20 puwesto matapos makalikom ng 12 puntos para makasama ang host Georgia 1, Norway, Argentina, Sweden, Slovenia, Georgia 2, Moldova, Egypt, Italy, Slovakia, Austria, Lithuania at Ecuador.

Susunod na makakalaban ng PH men’s chess squad ang 78th seed Ecuador na dinaig naman ang 115th seed Sri Lanka, 3.5-0.5.

Samantala, giniba naman ng Filipina chessers ang South Korea, 3-1, matapos manaig sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (Elo 2287), Woman Fide Master Shania Mae Mendoza (Elo 2113) at Woman International Master Bernadette Galas (2080) sa kani-kanilang katunggali.

Dinaig ni Frayna si WFM Chengjia Wang (Elo 2050) matapos ang 51 moves ng Modern Defense sa board one, pinayuko ni Mendoza si WFM Roza Eynula (Elo 2030) matapos ang 42 moves ng French Defense sa board two at tinalo ni Galas si Yubin Kim (Elo 1671) matapos ang 47 moves ng Vienna Opening sa board four.

Iniligtas naman ni Woman Candidate Master Sunwoo Park (Elo 1793) ang kanyang koponan sa posibleng pagkakabokya matapos gulatin si WIM Marie Antoinette San Diego (Elo 2102) matapos ang 46 moves ng Sicillian Defense sa board three.

Ang panalo ng PH women’s team ay naghatid sa kanila sa pagsalo sa ika-33 hanggang ika-45th puwesto na may 11 puntos kasama ang 12 pang koponan kabilang ang kanilang makakalaban sa 10th at penultimate round na 46th seed Moldova na dinaig ang 72nd seed Finland, 2.5-1.5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending