MAKALIPAS ang 11 araw na deliberasyon sa plenaryo, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang P3.757 trilyong budget ng Duterte administration sa 2019.
Mas maliit ang budget na ito kumpara sa budget ngayong taon na P3.767 trilyon matapos gawing cash-based ang budget system na gagamitin upang mas maging mabilis umano ang paggawa sa mga proyekto.
Binuo ni House majority leader Rolando Andaya Jr., ang isang komite na siyang magpapasok sa mga panukalang pagbabago sa budget na inihain ng Malacanang.
Ito ay bubuuhin nina House Committee on Appropriations Senior Vice chairperson Maria Carmen Zamora, House Minority Leader Danilo Suarez, Representatives Federico Sandoval II, Corazon Nunez-Malanyaon, Anthony Bravo at Edcel Lagman.
Sa susunod na linggo ay inaasahang aaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang budget bago ang adjournment ng sesyon para sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2019 midterm elections at Halloween break.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.