Laos na aktres walang ginawa kundi makisawsaw sa politika
SOBRA-SOBRA ang panahon ngayon ng isang female personality. Wala na kasi siyang trabahong pinagkakaabalahan, paminsan-minsan na lang siyang napapanood sa pelikula, wala siyang regular na serye.
Nasa malayong lugar na ang babaeng personalidad na ito, pero ipinararamdam pa rin niya ang kanyang presensiya, mahilig siyang makisawsaw sa mga isyu tungkol sa ating lipunan.
Kuwento ng aming source, “Napakarami kasi niyang panahon ngayon dahil semplang na ang career niya. Ganu’n naman talaga ang nangyayari, di ba? ‘Yung mga artistang wala nang ningning ang bituin, sila ang active na active sa pakikisawsaw sa social media.
“Tulad nitong female personality na ito na nasa ibang bansa na nga, e, talak pa rin nang talak. Tulad din siya nu’ng isang bansuting male personality na kaya lang naman matapang at mayabang, e, dahil wala siya dito!
“Ganu’n na ganu’n ang girl! Konting kibot lang, e, nakikisawsaw na siya sa issue, kung anu-ano na ang talak niya, samantalang kapos naman siya sa kaalaman tungkol sa pulitika!” inis na chika ng aming impormante.
Nagkaroon naman ng career ang babaeng ito nu’ng bata-bata pa siya, marami rin siyang nagawang pelikula, pero bigla na lang siyang nawala. Kasama niyang umalis ang career niya.
“Nagwo-work na siya ngayon sa ibang bansa, pero katawan lang niya ang nandu’n, nandito pa rin sa Pilipinas ang takbo ng utak niya! Kaya nga para siyang praning!
“Konting balita lang tungkol sa ating bayan, e, nakasawsaw na agad siya, parang napakatalino niya na alam ang lahat-lahat, kaya kung pagtatalakan niya ang mga politicians, e, ganu’n na lang!
“Naku, nagpapapansin lang siguro ang babaeng ‘yun! Kapag umingay nga naman ang name niya dahil sa pakikisawsaw sa kung anu-anong issue, e, baka may producer na makaisip na kunin siya!
“Pero sorry na lang, nag-goodbye na ang career niya! Waley na siya ngayon dahil sa kung anu-anong kuwentong inilalabas niya sa social media!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, isang letra lang ang kanyang pangalan!” huling chika pa ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.