Du30 ipinag-utos ang imbestigasyon sa nawawalang 23K na smuggled rice sa Zamboanga
IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang agarang imbestigasyon kaugnay ng nawawalang 23,015 sako ng smuggled na bigas sa in Zamboanga City.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr na nagalit si Duterte matapos makarating sa kanya ang insidente ng pagnanakaw ng mga smuggled na bigas.
“The Executive Secretary asked me to tell the nation that the President has ordered an immediate investigation of this incident and that instructions were given for both NFA (National Food Authority) OIC and Customs Commissioner to immediately place on preventive suspension individuals who may be part of this scheme,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na matapos ang direktiba ni Duterte, sinibak na ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sina Zamboanga District Collector Lyceo Martinez at Customs Police District Commander Felimeno Salazar.
Sinabi ni Roque na gumagawa na ng aksyon para marekober ang nawawalang bigas sa Port of Zamboanga.
“Una, noong Oktubre 1, ang pag-recover ng 5,000 sako ng bigas sa Basulta Traders Corporation warehouse. Pangalawa, noong Oktubre 2, ang pagbawi ng 3,000 sako ng bigas sa Suterville Warehouse Manga Drive at 8,000 sako ng bigas sa Kasanyangan Compound, Sta. Catalina,” dagdag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.